MGA MAMAMAYAN SA LALAWIGAN NG TARLAC BUONG TIWALA SA PEACE AND ORDER NA PINAIIGTING NG TARLAC PNP

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Billy Nuqui

Camp General Francisco S. Macabulos, Tarlac City-Buong tiwala ang mga mamamayan sa lalawigan ng Tarlac sa kapulisan sa pagpapaigting ng peace and order sa lugar. Ito ang isa sa mga mahigpit na direktiba ni Tarlac Police Provincial Director, PCOL MIGUEL M GUZMAN, sa kanyang mga kapulisan upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayang Tarlaqueño, at maging ang mga mamumuhunan dito na patuloy na dumarayo sa lalawigan.

Malaki ang tiwala at kumpyansa ng mga mamamaya dahil batid nila na mapayapa ang lalawigan ng Tarlac. Isa sa mga ginagawang pagpapaigting ng Tarlac PNP itong Enhance Public Safety Program sa lahat ng kanilang nasasakupan dahil “sa bagong Pilipinas, gusto ng pulis ligtas ka”, direktiba ni PCOL MIGUEL M GUZMAN sa kanyang mga kapulisan na tiyakin palagi ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang presensya na isang malaking papel na ginagampanan ng mga kapulisan sa Tarlac at maging sa buong Pilipinas na nais ng ating Chief PNP General Marbil.

Lubos naman ang pagpapasalamat at patuloy na nagtitiwala sa kanilang seguridad itong mga negosyante sa lalawigan dahil ramdam nila ang presensya ng mga kapulisan saan mang sulok nito. Ito ay resulta ng patuloy at regular na isinasagawang Tarlac Police Provincial Office Command Group and Staff Conference, kasama rito ang lahat ng mga Chief of Police ng 17 na bayan at 1 syudad na bumubuo sa lalawigan ng Tarlac, pati na ang mga Force Commanders ng dalawang Provincial Mobile Force Companies, sa panguguna ng kanilang mahusay na Provincial Director PCOL MIGUEL M GUZMAN.

Kasama na rito ang mga iba pang mga makabagong pag- aaral laban sa kriminalidad, at ang higit sa lahat ay ang patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan sa komunidad upang mapabilis ang mga pagsugpo sa mga nagkasala sa batas, at dalhin sa hukuman upang harapin ang anumang mga parusa na ihahatol ng korte sa mga ito.

Sa katunayan ang lalawigan ng Tarlac ay naiulat na may mababang antas ng krimen, isang ligtas na lugar para sa mga kilalang investors, mga higanteng kumpanya na dumarayo pa sa probinsya ng Tarlac, upang dito ay mamuhunan dahil batid nila ang kanilang seguridad at kaligtasan ay kanilang nakikita dahil sa mga programang pinaiigting ng Tarlac PNP.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kapulisan ng Tarlac at isa na rito ay ang paigtingin ang kapayapaan sa lalawigan na siyang mahigpit na ipinapairal hanggang sa kasalukuyan, upang masiguro na ligtas at mapayapa ang komunidad, at ito ang siyang tanging nais ni PCOL Guzman upang patuloy na umusbong pa ang pag unlad ng lalawigang Tarlac.

Ayon sa mga ginawang pananaliksik sa mga datus patungkol sa mga crime rates ng Tarlac PPO sa mga nakalipas na taon, lumalabas na may naitalang 2,981 krimen noong taong 2023 samantalang ngayon ang Tarlac PPO ay nakarehistro lamang ng 2,869 kabuuang mga insidente ng crime rates, mula Enero hanggang Agosto 31, taong 2024. Ibig sabihin ay bumaba ngayon ang bilang ng insidente ng krimen sa halos 112 sa lalawigan ng tarlac simula ng maupo sa pwesto bilang Provincial Director ng Tarlac PPO si PCOL MIGUEL GUZMAN nitong Enero lamang taong 2024.

Congratulations PD Guzman ng Tarlac PPO, snappy salute Sir, at malaking bagay po ang bilang na 112 na kabawasan sa crime incidents sa inyong termino ngayon.

Ayon din sa datus na nakalap, ang average na monthly crime rate mula January 1 hanggang August 31, 2024, ay naitala din sa 23.70%. Ito ay isang pagbawas ng 3.74% mula sa average na 24.62% na naitala sa parehong panahon sa nakalipas na taong 2023.

Lumalabas din na mahigit tatlong porsyento ang naging kabawasan na isang karangalan na maipagmamalaki ng buong lalawigan ng Tarlac, na siyang bunga ng mga sakripisyo at mga istratehiya ng bagong Provincial Director ng Tarlac PPO, kasama ang pinaigting na ugnayan ng pulis at komunidad, at ang patuloy na suportang ibinibigay ng Provincial Government ng Tarlac sa pamumuno ng butihin gobernador Susan Yap.

Lumalabas din sa datus na ang karamihan sa mga naging insidente ng krimen ay nalutas, na humahantong sa mga pagsingil sa mga kriminal at sa mga suspek.

Sa ngayon sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni PCOL MIGUEL MENDOZA GUZMAN, ang tanggapan ng Tarlac Police Provincial Office ay makailang ulit na ring ginawaran ng mga prestisyosong pagkilala sa buong region 3 base sa Monthly Unit Performance Rating nito o ang tinatawag na UPER, na kung saan ginawaran ng Police Regional Office 3 ang Tarlac PPO bilang Number 1 sa loob ng 7 na buwan ngayong taon sa lahat ng mga 7 Police Provincial Offices at 2 City Police Offices (Angeles City at Olongapo City) na nasasakupan nito, mula Enero hangang Mayo at Hulyo 2024.

Maliban nito, humakot din ng 3 parangal sa pagdiriwang ng ika-29 na taonang selebrasyon ng Police Community Relation Month noong Hulyo 30, 2024, na ginanap sa Police Regional Office 3, Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando Pampanga. Ang mga parangal na ito ay ang mga sumusunod:

1. Most Outstanding Provincial Community Affairs and Development Unit CY 2024; 2. Outstanding Provincial Community Affairs and Development Junior Police Commissioned Officer; at 3. Outstanding Provincial Community Affairs and Development Senior Police Commissioned Officer CY 2024, na iginawad sa ating masipag na Provincial Director PCOL MIGUEL M GUZMAN.

Isa rin na mahalaga ang impormasyon sa mga insidente ng krimen na ibinibigay ng komunidad at napakahalaga para sa agarang pagsisiyasat ng kaso at ang pag -aresto sa mga suspek na nagkasala, ayon kay PCOL GUZMAN. “Ang ganitong pag -asa ay nakatuon sa komunidad dahil sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikipag -ugnayan sa mga tauhan ng Tarlac PPO.”

Giit pa niya na sa pinaigting na ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng mga programa ng PNP gaya ng kanilang mga patuloy na isinasagawang Community Outreach Programs, Medical Missions at iba pa, ay napakalaking bagay sa pagsugpo ng krimen at lubos din ang kanyang pasalamat sa mga mamamayang Tarlaqueño sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa kapulisan.

Ayon sa Provincial Director, “sa kanilang mga pagsisikap upang ma-usig ang mga kriminal, ang buong kapulisan ng Tarlac PPO ay buong katapatan na gingawa ang kanilang mga trabaho nang epektibo at mahusay, “Kami aniya ay lubos na nagpapasalamat sa komunidad sa buong lalawigan ng Tarlac sa kanilang walang tigil na suporta sa pulisya, at binabati rin namin sila sa adhikaing ito.”

Giit pa niya na ang pulisya ng Tarlac ay hindi titigil sa pagtatrabaho patungo sa isang mapayapang pamayanan kung saan ang mga tao ay maaaring mabuhay, magtrabaho, at magsagawa ng negosyo.

“Dapat ang mga kapulisan ng Tarlac ay nakikita, nakakausap at nararamdaman, Hindi tayo kailanman susuko sa pakikipaglaban sa krimen”, dagdag pa ni PD PCOL Guzman.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...

Taste More, Spend Less: A Summer Food Crawl Under ₱200 at SM Center Pulilan

When school’s out and the sun’s high, there's no...