Mga taga Malolos, ipinasyal ng Heritage bus ng Victory Liner

Published

Nina John Bertrand L. Faigao, Khyrus Joser C. Santos, at Kristine Marie Althea C. Barranta

Ang 1945 Heritage bus ng Victory Liner Inc. na lumibot at ipinasyal ang mga lokal na turista sa iba’t ibang tourism destination sa Lungsod ng Malolos. Larawan ni Althea Barranta

LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbiyahe sa nakaraang panahon ang mga residente ng Lungsod ng Malolos matapos silang isakay at ilibot sa mga makakasaysayang destinasyon sa kanilang lugar nang 1945 Victory Liner Heritage Bus na dalawang araw na  lumibot sa siyudad kamakailan lang.

Bumiyahe at pumasyal ang nasabing bus mula sa Malolos City hall, sa kahabaan ng Paseo del Congreso, Barasoain Church, Casa Real, Malolos Cathedral at maging Santa Isabel Church umaga at hapon nitong Sabado at Linggo, Hulyo 6 at 7 lulan ang mga lokal na turista ng lungsod.

Ang pagbisita ng heritage bus sa Malolos ay bahagi ng 78th year anniversary ng Victory Liner Inc. at promotion nito bilang isang fleet at upang patunayang maaring magamit, mapakinbangan at maidugtong pa rin ang nakaraan sa kasalukuyan.

Ayon sa website ng Victory Liner, ang pananatili at pagsasaayos ng Jardinera-type bus body sa isang International Harvester chassis at engine ay hindi lamang isang nostalgic endeavor o pagbabalik sa nakaraan kundi pagpapatotoo rin sa legasiya ng kanilang kumpanya.

“it’s a testament to their legacy. This historic design, known as a “Toastrack” or “Charabanc,” traces back to 19th-century France, and it’s a symbol of the company’s commitment to honor its roots and culture,” ayon pa sa kanilang website.

Ayon kay Jimmy Leoncio, driver ng 1945 Victory Liner Heritage bus, ang sasakyan ang kauna-unahang bus model na nilikha noong 1945. Matapos ayusin ang makina nito at pagandahin ang kaha at kabuuang itsura at anyo, pinarerentahan din ito ngayon sa mga gustong gumamit nito bilang isang tourist bus.

Sa panayam ng NEWS CORE, idinagdag ni Leoncio na ang unang Victory Liner bus na ito ay ginawa at pagmamay-ari ni Don Jose Hernandez, ang tagapagtatag ng Victory Liner, kasama ang orihinal na makina. “Kauna-unahang makina iyan – unang bus ng Victory Liner. Pero iyong makina, iyon pa rin iyon – iyong kaha na lang ang binago na,” aniya.

Para kay Renato Raymundo, mula sa City of Malolos tourism office, ang bus ang nag-iisang gumagana pa sa ngayon  dahil ito ay itinago ni Hernandez at muling inayos ng kaniyang anak.

Dagdag ni Raymundo, nais ng programa na dalhin ang mga turista sa nakaraan at mabisita ang ilan sa mga historical at ancestral sites sa lungsod.

“Nire-represent nila iyong tradisyon ng bawat Victory Liner. Di ba imaginin[e] mo, 1945 pa siya, na-restore nila, naalagaan nila. Di ba napakaganda niyan sa turismo,” saad niya ukol sa pag-represent ng bus sa cultural trends noong 1940-50s.

Para kay Leoncio, na mahigit 11 years na nagmamaneho sa naturang bus company, ito ang pangalawang beses niya sa pagmanibela ng naturang vintage bus. Una niya itong ginamit noong pinuntahan niya ang Panagbenga Festival sa Lungsod ng Baguio. Mabagal aniya ang kaniyang pagmaneho sa naturang bus dahil sa mabundok na lugar. “Mabagal lang ako, kasi kapag bigla kang nagmabilis,  baka masisira ang bus”.

Paalala ni Raymundo, maaari lamang i-rent ang vintage bus. “‘Pag may mga turista tayo sa Malolos, sa ibang bayan ng Bulacan, pwede nating i-rent para iyong mga turista, makasakay lahat diyan. Hindi mo na kailangang mag-rent ng mga sasakyan ng iba, kundi ‘yan na mismo yung pinaka sasakyan,” saad niya.

Nagalak at namangha naman ang mga Bulakenyo dahil sa muling pagdaan at pagbiyahe sa lalawigan ng naturang vintage bus.

Nasulyapan din ng mga mamamayan ang heritage bus sa Barangay San Juan, Atlag, Panasahan, at Mambog, Marcelo H. Del Pilar National High School, Barangay Dakila at ilang bahagi ng MacArthur highway sa lungsod.

Ang mga susunod na destinasyon ng bus ay sa San Fernando, Pampanga, matapos bumisita sa Dagupan, Calumpit, at Malolos at mananatili din ito sa nasabing mga lugar ng tigdalawang araw.

Inaasahan na muling babalik ang 1945 Victory Liner Heritage Bus sa taong 2025, bilang parte ng Fiesta Republica sa Lungsod ng Malolos.

Sa kasalukuyan ay patuloy na dumadaan pa rin sa Malolos ang biyahe ng Victory Liner bus galing sa Northern Luzon partikular ang galing sa Pampanga  papuntang Caloocan at Pasay City at vice versa. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...