Ni: Christian Paul S. Tayag
MANILA– Muling pinatunayan ng Blacklist International na kaya nilang protektahan ang korona at pagiging back-to-back champion ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines, matapos nilang talunin ang Onic PH sa score na 4-1 nitong nakaraang Season 8 Grand Finals kamakailan lang.
Sa live na panood ng NEWS CORE sa Grand Finals ng Mobile Legend: Bang Bang Professional League PH Season 8 noong Oktubre 24, pangalawang pagkakataon na makuha ng Blacklist International ang korona ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League para patunayan na hindi lang tsamba ang pagkapanalo nila noong nakaraang MPL S7 at makuha ang respeto sa ibang mga team ng MPL Philippines.
Matapos lumubog sa lower bracket, Matapang nilang inakyat ang Grand Finals at talunin ang Omega sa score na 3-1 at naging matamis na paghihiganti matapos silang ilaglag ng nasabing team sa lower bracket at nabigong talunin ang Blacklist matapos ang kanilang do-or-die match at harapin ang Onic PH sa grandfinals.
Patuloy na pinakita ng Blacklist ang kanilang laks at abilidad sa late-game, salamat sa season 7 championship-winning hero ni Danerie James “Wise” Del Rosario na si Aldous upang gumuhit ng unang laro para sa Blacklist. Ang regular season na MVP na si Salic “Hadji” Imam na gumamit ng hero na si Yve ay nakakuha ng MVP recognition na may 100 porsiyentong kill participation at sa Captain ng Blacklist na si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at sa kanilang Head Coach Kristoffer “Bon Chan” Ricaplaza na patuloy na umuukit ng kanilang pagkapanalo hanggang sa Game 5 at nakamit ang score na 4-1 at tinanghal na Champions ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 8 at magiging kinatawan ng Pilipinas sa M3 World Championship ngayong taon.
Hawak ng Blacklist ang record sa kasaysayan ng MPL sa regular na season sa likod ng 13-1 win-loss record, natalo sila ng Onic Philippines sa pamamagitan ng 2-0 sweep noong regular season. Dalawang laban sila natalo sa regular na season ng Season 7 at Season 8, Ang huling beses na nag-uwi ang isang koponan ng back-to-back championship sa MPL ay ang Sunsparks sa Seasons 4 at 5.