MONDRAGON
Vhioly Rosatazo Arizala
Dahil sa pandemic marami ang nahihirapan, maraming nawalan ng trabaho, nagsaradong mga merkado, maraming namatay.
Subalit kakaiba ang opisyal na ito. Up to the highest level sobrang lakas, Ilang oras lang nakulong at di nag piyansya kahit merong nakasampang reklamo.
Ang siste diumano ayon sa mga bubwit ng inyong lingkod ay kinakanlong pa ito ng ilang mga sekta. Totoo kaya ang bulong na ito sa akin ng ating mga bubwit? Ano kaya ang dahilan bakit siya diumano ay kinakanlong? Sobrang lakas naman ng opisyal na ito.
Ayon sa source ni Mondragon, magkasama ang opisyal na ito at kanyang kalokadidang na kinanlong ng mga sekta. Saang biblia kaya nakasulat na tama ang ginawa ng opisyal at kalokadidang nito at higit sa lahat ng mga sekta na magkanlong ng isang halal ng bayan na maaaring tawaging isang imoral?
Anyare, bakit gayon? Huwag niyong babuyin ang batas at higit sa lahat ang sektang inyong kinabibilangan. Dapat kayo mismong pinuno ng sekta ay alam ninyo ang tama at mali at iyong tama ang pinipili ninyong gawin at hindi iyong mali.
Santong kabayo banal na aso natatawa ako, hi hi hi.
“Itama ninyo ang mali, huwag kayong magkanlong ng santong kabayo, matakot kayo sa totoong Diyos. Baka iba ang Diyos ninyo. Tsk tsk tsk. Ibang klase kayo”.