Nagniningning na ang liwanag ng Lungsod ng Baliwag

Published

BALIWAG, Bulacan—Nagniningning at kumikinang na ang liwanag ng tagumpay ng pagiging Siyudad ng Baliwag matapos na pailawan na ni Mayor Ferdinand “Ferdie” Estrella ang higanteng Christmas Tree ng bayan sa Glorietta nito nitong Miyerkules ng gabi.

Kasabay sa pagpapailaw ay sinimulan ang 10-Day countdown sa Clock Tower sa Plaza para sa darating na plebisito o botohan ng “yes,” “oo” o “hindi,” “no” sa Disyembre 17 na boto sa pagiging lungsod ng Baliwag.

Mataas ang kompiyansa ng alkalde na tulad ng resulta ng mga surveys na kanilang isinagawa bilang bahagi ng kanilang kampanya upang aprubahan ng mga mamamayan ang pagiging siyudad ng kanilang bayan at bumoto ng “yes” or “oo” sa nasabing plebisito ay tunay ngang makakamit ng Baliwag ang pagiging isang lungsod.

Ang Bayan ng Baliwag ay may 107,000 registered voters at inaasahang nasa mahigit 90% ang boboto ng yes para ito ay maging isang component city. 

Matatandang noon pa lamang 2017 ay isinulong na ito ni Estrella at ng iba pa niyang mga kasama sa paglilingkod sa Bayang ng Baliwag subalit hindi ito nagtagumpay noon.

10 DAY COUNTDOWN. Sinimulan din ni Mayor Ferdie Estrella ang 10 day countdown para sa plebisito at pagiging Lungsod ng Baliwag sa Clock Tower sa Baliwag Plaza. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ang iuuwing mas higit na malaking pondo sa kanilang bayan para sa mas marami pang proyekto at programa tungo sa lalo pang kaunlaran at pag-asenso nito ang nais makamit ng alkalde kung kaya’t isinulong niya ng husto ang pagiging lungsod.

“Ako po ay pinagkatiwalaan ninyo ng tatlong beses bilang inyong alkalde. Kung ano po ang tiwalang ibinigay ninyo sa akin ay siya rin po sanang tiwalang muli ninyong ipagkaloob sa akin ngayon para sa pagiging siyudad ng ating Mahal na Bayang Baliwag upang higit pang kaunlaran ang ating maisulong at maisakatuparan sa mga susunod na araw, buwan at taon,” ang kampanya ng alkalde sa mga mamamayan ng Baliwag.

Ang plebisito ay isasagawa bilang huling hakbang upang maging siyudad ang Baliwag matapos maisabatas nito lamang nagdaang Hunyo ang pagiging siyudad nito o ang RA 11929, na nagtatakda sa Munisiplaidad ng Baliwag sa Lalawigan ng Bulacan upang maging isang component city.

Nakamit at nag-qualify ang Baliwag sa mga requirements ng batas o ng Local Government Code para maging isang component city ang isang munisipalidad o dalawa alinman sa mga sumusunod:  150,000 population; 100 square kilometer land area at mahigit P100 million na local income. Bagama’t 45 square kilometers lang ang Baliwag ay nahigitan naman nito ang minimum requirements sa population dahil ito ay may 168,470 at P111.27 Million na total local collected income sa pinakuhuling annual record nito. 

Ang RA 11929 ay ipinanukala sa Kongreso ni Bulacan Second District Rep. Gavino “Apol” Pancho noong 2021 at inaprubahan sa Senado nitong Hunyo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...