Ang isang babaeng nagparehistro ay pina-scan ang kanyang iris bilang bahagi ng proseso ng biometrics ng Philippine Identification System Step 2 sa SM City Marilao.

Ni Cloei Garcia

MARILAO, Bulacan–Nag-set up ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng National ID registration site sa SM City Marilao para magbigay ng accessible at ligtas na lygar para sa Step 2 registration at biometric process ng pagkuha ng nasabing all-in-one ID.

Matatagpuan sa ikalawang palapag ng mall, ang Philippine Identification System (Philsys) Registration site. Ito ay bukas mula 8:00 am hanggang 5:00 pm, Lunes hanggang Sabado.

Ang pagpaparehistro ng Step 2 ay nagpapatunay ng demographic data at nakakakuha ng biometric na impormasyon tulad ng irii-scan, mga fingerprint, at mga litratong nakaharap sa harapan.

Kapag tapos na, kailangang hintayin ng mga nagparehistro ang Philippine Postal Corporation na maihatid ang PhilID cards o ang national ID.

Nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay naglalayong magtatag ng isang pambansang ID para sa lahat ng Pilipino at residenteng dayuhan.

Ang national ID ay dapat na isang wastong patunay ng pagkakakilanlan na magiging isang paraan ng pagpapadali ng mga pampubliko at pribadong transaksyon, pagpapatala sa mga paaralan, at pagbubukas ng mga bank account.

Nilalayon din nitong palakasin ang kahusayan, lalo na sa pakikitungo sa mga ahensya ng gobyerno kung saan kakailanganin lamang ng mga tao na magpakita ng isang ID sa panahon ng mga transaksyon.

Hinihikayat ng PSA sa SM City Marilao ang publiko na mag-book muna ng appointment at magpatala sa https://register.philsys.gov.ph upang mapanatili ang physical distancing measures sa registration site.

Ang mga walk-in ay lubos na pinagbabawal upang matiyak na masunod ang mga protocol sa kaligtasan laban sa Covid-19.

Nauna nang nagkaroon ng ganitong Phylsis ID registration site sa SM Baliwag.