NLEX Corp. binida ang Bulacan culture and history sa first leg ng Lakbay Norte

Published

SIYUDAD NG MALOLOS–Ipinakita at ipinagmalaki ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp. ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan kasama na ang mga masasarap na kaluto at mga magaganda at dinadayong simbahan sa first leg ng Lakbay Norte nito ngayong nagsisimula na ang pagluwag sa mga tourism restrictions and destinations sa bansa. 


Ang Bulacan, kasama ang Metro Manila at marami pang lalawigan sa Luzon at higit sa ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim na ng mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) at kung saan pinapayagan na ang 40-50 percent capacity lalo na sa mga outdoor tourist destinations habang strikto pa ring pinaiiral ang pag-sunod sa minimum health protocol na pag-suot ng face mask at face shield, pag gamit ng alcohol, paghuhugas ng kamay at social distancing. 

As part of the cultural heritage tour, the team visited the Santos Mansion known for its classical art deco architecture

Ayon kay J. Luigi Bautista, president and general manager of NLEX Corp., ang Bulacan na mayaman sa kasaysayan, kultura at pamana (heritage) at puno ng adventure sites and opportunities ay halos isang oras lang lakbayin sakay ng kotse mula sa Kamaynilaan patungong norte at siyang gateway province ng North and Central Luzon. 

Kasama ang mga miyembro ng media sa Metro Manila, una nilang binisita ang Hiyas ng Bulacan Museum sa Capitolyo sa siyudad na ito na siyang capital ng lalawigan kung saan naroon ang maraming valuable relics, mementos, articles, documents and handicrafts noong panahon ng Philippine Revolution. 


Pinuntahan ng grupo at kanilang nilasahan ang authentic taste ng haing-Bulakenyo sa siyudad na ito–sa restaurant na Kalye Mabini sa Barangay Mojon na may unique fusion of European and Filipino cuisine at ang makabagong Casie’s Restaurant sa Barangay Dakila na may Italian-American dishes. 


Sa siyudad pa ring ito, tinungo rin nila ang historic Barasoain Church, ang Casa Real Shrine, ang Malolos Historic Town Center na tinatawag ding  Camestisuhan or Pariancillo District kung saan  magkakahilera at patuloy na nakatayo at inaalagaan ang mga Spanish-American-era houses na ginawang pangunahing tanggapan ng national government offices noong panahon ni Gen. Emilio Aguinaldo na Philippine Republic. Ang Malolos noong panahon na iyon ang sentro ng national government. 

Sumunod na destinasyon ay ang Marcelo H. Del Pilar Shrine sa Bayan ng Bulakan, ang old capital ng lalawigan. Binisita rin sa bayang iyon ang Nuestra Senora dela Asuncion Church, isang19th century Neo-Byzantine-Romanesque stone church na idineklara ng National Center for Culture and the Arts (NCCA) na isang rich cultural property ng bansa. 
Ayon kay Kaye Mendez ng La Bulakenya, dahil daw sa tour ay nadiskubre niyang stranger siya sa sariling lalawigan. Hindi daw niya inakalang ilang hakbang lang sa kanyang tahanan ang mga makasaysayan, makabuluhan at nakakatuwang lugar ng mayamang kultura, kasaysayan at pamana ng lalawigan. 


“This trip made me realize that I’m still a stranger to my own province. Who would’ve thought little jaunts close to home can be this much fun and enriching? I look forward to exploring my beloved province more through safe and convenient trips via NLEX,” said Kaye Mendez of La Bulakenya. 

The famous Lomo Ribs of Kalye Mabini located in Malolos


Ito naman ang pahayag ni Dennis Esplana ng Pinoy Traveler, “NLEX Lakbay Norte featuring Bulacan was a fun filled travel adventure. The tour was excellent and provided a real insight of the province and its history.”

“The trip was fun, enjoyable, and informative. I felt safe to explore the beautiful town of Malolos and nearby places because of the strict protocols that were put in place. Bulacan is such a delightful destination, which reminded me of how big the role the province and its people had played in the country’s rich history,” pahayag naman ni Kenneth Del Rosario ng Inquirer. 


Dahil sa tagumpay na first leg ng Lakbay Norte ng NLEX, umaasa si Bautista na magtutuloy-tuloy na ang pag-recover ng tourismo sa bansa at makatulong din sa mga travelers para makabalik na muli sa kanilang mga lakbayin, one trip at a time.

Ang NLEX Lakbay ay isang taunang media familiarization tour na isinasagawa ng NLEX Corp. upang i-promote at i-accelerate ang tourism development sa northern part ng bansa. Bilang main gateway sa maunlad na norte,  ang NLEX-Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ang siyang pinaka mabilis, ligtas at komportableng daan upang marating ang mga lugar na ito katulad ng Bulacan.   

“This edition of NLEX Lakbay Norte not only intends to encourage people to drive to the north, but also to help economic recovery. Tourist destinations have been adversely affected by the pandemic and this is our way of safely boosting tourism in these regions, and inspiring motorists to journey north through NLEX-SCTEX,” pahayag din ni Bautista.  Ang NLEX Corp. ang siyang builder and operator ng NLEX at SCTEX, two of the major tollways in the Philippines. Ang NLEX Corp bilang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation ay involve sa development, design, construction, finance, operation and management ng toll road projects.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Don’t Miss the Insanithink Year-End Special at Viva Café!

Mark your calendars, comedy fans! The year is...