Sina Partido Federal ng Pilipinas at Hugpong ng Pagbabago UniTeam presidential and vice presidential candidates Bongbong Marcos and Sara Duterte kasama ang kanilang senatorial candidates sa stage ng Philippine Arena noong kanilang proclamation noong Miyerkules. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

BOCAUE, Bulacan–Walang ni isa mang Bulacan officials or candidates ang nakasama sa entablado ng Bongbong Marcos at Sara Duterte (BBM Sara) UniTeam proclamation sa Philippine Arena sa loob ng Ciudad de Victoria sa bayang ito nitong Miyerkules. 


Naging all BBM Sara at kanilang senatorial slate–Gibo Teodoro, Jinggoy Estrada, Migs Zubiri, Herbert Bautista, Win Gatchalian, Harry Roque, Gregorio Honassan (represented by wife), Loren Legarda (thru online message), Mark Villar, Larry Gadon, Dante Marcoleta lamang ang nasabing proclamation at hindi na humalo ang local Bulacan candidates. 


Kahit sa random na focus ng camera ay hindi rin ipinakita kung sino mang Bulacan officials ang naroon maliban sa binanggit lamang ang pangalan ni Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. Hindi inendorso o ikinampanya at hindi rin sinabi ng host ang tinatakbo nitong posisyon at anong partido. 


Nauna namang nakasama ni Marcos sina Alvarado at vice gubernatorial running mate nito, dating Gob. Joseltio Mendoza ng PDP-Laban, sina re-electionist Cong. Jonathan Sy-Alvarado, Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr.  nagbabalik sa pagka-mayor ng Malolos, Atty. Christian Natividad at iba pang local leaders sa kanyang caravan noong Martes sa Lungsod ng Malolos. 
Sa Baliwag ay nakasama naman ni BBM sina Mayor Ferdie Estrella at iba pang local officials at si Mayor Arthur Robes sa Siyudad ng San Jose del Monte.


Si BBM ay kinikilalang anak ng Bulacan dahil ang lola nito sa ina, ang nanay ni dating First Lady Imelda Marcos na si Remedios Trinidad ay mula sa angkan ng mga Trinidad sa Baliwag. Ang ika-24 na bayan ng Bulacan, Doña Remedios Trinidad (DRT) ay ipinangalan dito noong 1977 matapos na ang dating bayan ng Bulacan na Polo (Valenzuela) ay idinagdag na bagong lungsod ng Metro Manila sa ilalim ng leadership ni former First Lady bilang chairman ng Metro Manila Development Authority.


Mariing idiniin ni Marcos ang isinusulong ng kanilang “UNITEAM” na pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino. Sa maraming lugar umano na pinuntahan nila ni Sara ay nagsimula lamang sa “bulong” ang pagkakaisa ng bawat mamamayan at pagsama sa kanilang team subalit lumaki at lumakas na ito ng lumakas hanggang maging isang napakalakas ng sigaw sa ngayon. 


Ayon sa kanya, ang BBM Sara tandem na pagsasama ng isang taga Norte at ng isang taga Mindanao ay pagpapatunay na kaya ng mga Pilipino ang magkaisa upang makamit ang tagumpay at kaunlaran para sa bansa.
Ito na umano ang panahon para magkaisa ang bawat Pilipino sapagkat hindi naman siya umano palaaway at hindi rin siya mahilig sa gulo kundi ang gusto lamang niya ay maglingkod at pangunahan ang lalo pang pag-unlad ng Pilipinas lalo na ang tumulong sa ating mga kababayan lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa krisis ng pandemya, ng kalamidad at iba pa. 


“Nag umpisa po ang tawag natin ng pagkakaisa sa ating mga kababayan bilang bulong lamang subalit ngayon ay isinisigaw na ito ng. Ito lamang naman po ang kagustuhan natin. Hindi naman po tayo palaaway at hindi po tayo mahilig sa gulo”. 


Hindi umano kaya ng gobyerno lang, ng mga mayayaman lang, ng ordinaryong tao lamang ang kailangang pagbabago para sa ikauunlad ng bansa kundi ng bawat isa at ng lahat ng sektor kaya napakahalaga ng pagkakaisa. 
“Ibalik po natin ang ugali nating mga Pilipino na mapagmahal sa kapwa, matulungin, mapag-bayanihan at higit sa lahat ay mapagmahal at mapagkalinga sa bayan,” he added. 


Inamuki niya ang lahat na patuloy na ilaban at ipanalo ang pagkakaisang nasimulan nila.
Sinabi naman ni Sara na sadya niyang hinahangaan ng lubos ang galing sa paglili gkod ni Marcos. Gayundin sinabi nito na ang pagkakaisa ng lahat mula sa Luzon Visayas ay Mindanao ang tunay na magbibigay ng tagumpay sa bansa sa ano mang larangan at pagsubok na kinakaharap nito. 


Dumadagundong ang buong Philippine Arena sa masayang sigawan ng mga tao na pulang pula at berdeng berde at nagwawagayway pa ng small Philippine flags. Napuputol ng kanilang mga kasiyahan, sigaw at hiyaw ng “BBM. BBM. BBM. BBM. BBM. SARA SARA SARA” at palakpak ang mga pagsasalita ni Marcos sa entablado gayundin para kay Sara. 


Kasama ang mga hindi na nakapasok sa loob, halos ay nasa 44, 000 ang mga supporters na dumalo. Ang loob ng Philippine Arena ay may 55,000 seats, ganunpaman, hindi lahat ay naupuan at nagkaroon ng bakante dahil sa social distancing health protocol. 


May ipinamigay namang pulang supot na may lamang tshirt, tarpaulin, bracelets, ballers, para sa lahat ng dumalo. May mga sponsors na namigay din ng mga kukutin, ng tubig at maging duraboxes.