‘Nutri jeep’ ni Sen. Imee bumiyahe sa Baliwag

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

LUNGSOD NG BALIWAG—Nakatikim ng masustansiyang “nutri bun” na tinapay ang mga chikiting na mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang at kabilang din ang mga residente sa Bayan ng Baliwag ng bumiyahe sa lugar si Sen. Imee Marcos nitong Miyerkules kasabay ng pamamahagi ng ayuda para sa mga displaced vendors sa ilalim ng programang Assistance for Individuals In Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Sinamahan ni Mayor Ferdie Estrella, punong lungsod ng Baliwag at kanyang ina, Gng. Sonia Estrella ang senadora sa pamamahagi ng mga tinapay na may kasama pang laruan para sa mga musmos na mag-aaral sa Day Care sa nasabing siyudad.

Masayang ibinagagi ng senadora na siya ay isang Baliwagenya dahil ang kanyang lola, ang nanay ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na si Dona Remedios Trinidad ay taga Baliwag, Bulacan.

Muli anyang itinataguyod  sa ngayon ng pamahalaang nasyunal ang tinapay na “nutri bun” na unang natikman ng mga Pilipino noong panahon ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang suporta sa nutrtional program ng gobyerno.

Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...