Ophthalmology Department at Rehabilitation Center ng BMC bukas na  

Published

LUNGSOD NG MALOLOS—Pormal ng binuksan nitong Lunes, Hulyo 1 nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro ang Department of Ophthalmology, Visual Science and Rehabilitation Section ng Bulacan Medical Center (BMC) na magbibigay ng libreng medikasyon at operasyon sa sakit sa mata ng mga residente partikular ang mga kapos-palad na Bulakenyo. 

Ang tatlong major health facilities ay katuparan ng pangkalusugang programa ng Bulacan Provincial Government sa ilalim ng Ten Point Agenda ni Gob. Fernando at Bise Gob. Castro. 

Ang dating Out Patient Department ng BMC ay ipinaayos at nilagyan ng pinakabagong state of the art eye care system equipment para sa Department of Ophthalmology at Visual Science at mahuhusay ding kagamitan para sa Rehabilitation Center. 

Ayon sa gobernador, umabot sa P70-milyon ang halaga ng mga modern and top of the line technology equipment para sa tatlong mga uri ng bagong gamutan sa BMC. 

Ayon kay Dr. Mary Joy de Leon, hepe ng Ophthalmology Department ng BMC lamang ang kauna-unahang government hospital sa buong Central Luzon na mayroong state of the art ot top of the line na mga kagamitan tulad ng para sa laboratory at pag-oopera sa cataract, pediatric ophthalmology, glucoma screening at iba pang high end equipment. 

Ang kanila umanong departamento ay bukas mula 8:00 ng umaga-5:00 ng hapon Lunes-Biyernes. 

Ani ni De Leon, ang pagpapa-check-up sa mata ng mga Bulakenyo ay maari ring maisagawa sa bawat Damayan sa Barangay o Kapitolyo sa Barangay kung saan naroroon ang kanilang mga doctor at ibang mga kagamitan kabilang din ang mga salamin sa mata. Samantala, ang major eye operations ay sa departamento sa BMC isasagawa. 

Dagdag ng doctor, ambulatory na ang mga operasyon sa mata at napapauwi rin ng araw ng operasyon ang mga pasyente at hindi na kailangan na i-admit pa sa ospital. 

Ayon kay Bise Gob. Castro, maraming mga kapos sa buhay na senior citizens ang lumalabo na ang mata lalo na iyong may mga diabetes na nangangailangan ng libreng gamutan sa mata kung kaya’t pinagsunikapan nila ni Gob. Fernando na maisakatuparan ang pagtatayo ng nasabing departamento sa BMC. 

Ang rehabilitation center ay pangangasiwaan ni Dr. Reynaldo Reymatias at magsisilbi sa mga kailangang i-theraphy na mga nagrerexover mula sa stroke or na-atake na mga pasyente. 

Si Dr. Reynatias ay isa ring dalubhasa mula sa St. Lukes Hospital katulad din ng ibang specialista sa BMC. 

“Libre po ang pagpapagamot sa lahat ng Bulakenyo, ano man pong uri ng inyong sakit ay gagamutin po ng ating mga doctor at specialista. Ano man pong inyong kailangan ay idulog ninyo lamang po sa amin ni Vice Gov Alex at amin po kayong tutulungan,” mensage ng gobernador sa kanyang mga kababayan. 

Gayundin, inamuki niya sa mga doctor at specialista sa BMC, na dagdagan ang kanilang pasensiya at lalo’t higit ang pagkalinga sa mga pasyenteng Bulakenyo upang malapatan ng kaukulang medikasyon ang kanilang mga karamdaman. 

Pinuri ni Dr. Corazon Flores, Department of Health (DOH) region 3 director sina Gob. Fernando at Bise Gob. Castro sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan at ngayon ay ang medikasyon at operasyon sa mata para sa mga kapos sa buhay na mga Bulakenyo. 

Malaking bagay ang nasabing pagamutan sa mata dahil ngayon ay marami ang nagkakasakit sa mata dahil sa pag gamit ng mga gadgets, saad ng director. 

“Binabati natin ang Bulacan dahil sa mahusay na proyektong ito ng ating mga lider. Ako bilanh inyong kababayan dito sa Bulacan ay nagagalak na ang ating BMC ay may ophthalmology at rehabilitation center na. Napakalaking pag-asa at biyaya ito sa ating mga kababayang Bulakenyo,” dagdag nito. 

Ang BMC at ang buong health management ng probinsiya ay nananatiling pinangungunahan ni Dr. Hjordis Marushka Celis, habang ang BMC ay pinangungunahan ni Director Angelito Trinidad, dagdag ng gobernador. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...