Oportunidad at seguridad sa trabaho, pangako ni TESDAMAN

Published

Inilunsad ngayong araw ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva ang kanyang kampanya para sa ikalawang termino sa Senado, at nangakong ituloy ang kanyang agendang paglikha ng trabaho at pagtibayin ang kasiguruhan ng trabaho sa bansa.

Inilahad ni Villanueva ang kanyang mga nakamit na tagumpay at plataporma sa Senado sa isang kick-off video na ipinalabas sa opisyal na Facebook page ng senador. Ipinakita sa video na kausap ng senador ang kanyang mga supporter na live audience, at mga manonood sa teleconference na kinabibilangan ng mga manggagawa, estudyante, mga benepisyaryo ng mga programa ng senador, at mga overseas Filipino workers mula sa 24 na bansa.

“Sa unang araw na ito ng kampanya, nakikita ng aking dalawang mata at nararamdaman ng aking buong katawan na hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko kayo. Sama-sama po nating trabahuhin ang trabaho sa mahal nating Pilipinas,” sabi ng senador sa kanyang supporters.

Sinabi ni Villanueva sa kanyang talumpati na bahagi ng sino mang kandidato para sa pagkapresidente o bise presidente ang paglikha ng trabaho, kung kaya’t kailangang ipagpatuloy ng senador ang kanyang adbokasiya sa Senado.

Aniya, “Bagaman magkakaiba ang kanilang mga posisyon sa pulitika, meron po silang common denominator: kailangan si TESDAMAN sa Senado.”

Bahagi ng campaign video ang pag-endorso sa kanya ng mga kumakandidato sa pagkapangulo na sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno.

Dagdag pa sa perfect attendance niya sa mga sesyon sa Senado at isinumiteng mahigit na 500 na bills at resolutions, sinabi ng dating director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nakapagpasa siya sa kanyang unang termino ng mga batas na nagpapatibay ng sektor ng manggagawa at nagbibigay ng kabuhayan sa mga Pilipino.

Naipasa ng senador ang mga batas gaya ng Tulong Trabaho Act, ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers, First Time Jobseekers’ Assistance Act, Telecommuting or Work From Home Act, at Doktor Para sa Bayan Act.

Nais ni Villanueva na magpatuloy ang kanyang trabaho sa Senado para masiguro ang tamang implementasyon ng mga naipasa niyang batas.

“Ang mga naipasa nating batas, dapat nai-implement nang maayos. Dapat napopondohan nang maayos. Dapat nakikinabang ang ating mga kababayan,” sabi ng senador.

Oportunidad at seguridad

Ipinangako ni Villanueva na pagtuunan ang employment security sa kanyang pangalawang termino sa Senado bilang panibagong hakbang ng kanyang adbokasiya para sa manggagawang Pilipino.

“Ito po ang commitment sa bawat isa sa inyo ng inyong TESDAMAN: Walang panahon na mawawalan ng oportunidad na magkatrabaho, magka-hanapbuhay, at magkaroon ng kita, para maranasan nila ang masayang pagbabago,” sabi niya.

Nais ng senador na palakasin at palawigin ang mga polisiyang gaya ng unemployment insurance, National Employment Recovery Strategy, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Emergency Employment Program, at programa para sa employment transition support bilang bahagi ng kanyang plataporma.

Isusulong din ni Villanueva ang mga batas para sa flexible employment arrangements, gaya ng pagpahintulot sa mga empleyado na magkaroon ng voluntary work arrangement, pagbigay-daan para makapagtrabaho ang mga senior citizen, at pagsuporta sa mga freelancers at sa tinatawag na “gig economy”.

Panawagan din ng senador ang proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa, at

knowledge and skills development sa larangan ng enterprises, science and technology, at medisina.

Tumatakbo bilang independent candidate si Villanueva para sa kanyang pangalawang termino sa Senado. Nakamit niya ang pangalawang pinakamaraming boto noong 2016 nang una siyang mahalal na senador. Bilang senador, naupo siya bilang chair ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, Committee on Youth (noong noong ika-17 Kongreso), at Committee on Higher, Technical, and Vocational Education (ngayong ika-18 na Kongreso Congress).

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...