P1-B pondo at proyekto kayang iuwi sa distrito

Published

RA 11546, reaportioning of Bulacan legislative districts

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Kayang mag-uwi sa mga distrito sa lalawigan kabilang ang dalawang bagong legislative districts na fifth and sixth districts ng P1-Bilyong halaga ng mga proyekto sa infrastructure, health, economy, housing at iba pang pangangailangan ng mamamayan.

Ito ang pahayag ni Guiguinto Mayor Ambrosio C. Cruz Jr. na siya ring pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter matapos aprubahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang RA 11546, ang batas na nagpapanibagong hati o reaportioning ng 21 mga bayan at tatlong siyudad sa lalawigan kung kaya’t nagkaroon ng dalawang bagong dagdag na fifth and sixth districts.

“May dagdag na magsasagawa ng programa para sa pag-unlad ng dalawang bagong distrito na may bagong pananaw at pamamaraan kung papaano pa higit na matutulungan ang ating mga kababayan sa larangan ng edukasyon, kalusugan, housing, economic benefits, infrastructure,” pahayag ng alkalde.

Ayon sa kanya, magkakaroon ang dalawang bagong distrito ng hiwalay at sariling pondo na maaaring umabot sa P500-Milyon o hanggang P1-Bilyon at higit pa lalo na kung magagawa itong mahiling ng kongresista ng distrito.

“Sa ngayon ay may P200 Million a year na pondo ang bawat distrito pero kaya pa iyong pataasin lalo na kung kayang i-justify ng kongresista ang mas malaking pondo na kailangan niya sa mga proyekto niya gaya ng P500-M or even P1-B per year or even more,” pahayag ng alkalde sa NEWS CORE. 

Sa ginawa umano niyang review sa mga infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways sa kanyang bayan bilang isang alkalde ay natuos niya na umabot ito sa halos isang bilyon ganoong isang bayan lamang ito at isa lamang siyang alkalde.

“Ako nga mayor lang but we were able to justify the Plaridel-Baliwag Bypass and the Daungan-Sta. Rita Bypass dito sa Guiguinto. Let’s wait and see for these projects,” dagdag ng alkalde.  

Piangtulong-tulungan nina Bulacan First District Congressman Jose Antonio “Jonathan” R. Sy-Alvarado, Second District Congressman Gavini “Apol” Pancho, Third District Congressman Lorna Silverio, Fourth District Congressman Henry Villarica at asawa nitong dating Congresswoman Linabelle Ruth Villarica at maging si City of San Jose del Monte Lone District Congresswoman Florida Robes na maihain at maipasa ito sa kongreso habang ginawa naman ng mahusay ni Senator Joel Villanueva ang kanyang bahagi sa senado.

Sa ilalim ng RA 11546, nagkaroon ng Fifth District na binubuo ng mga Bayan ng Bocaue, Pandi, Balagtas at Guiguinto at Sixth District na sakop ang mga Bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria.

Ang Bocaue, Guiguinto, Balagtas at Pandi ay dating bahagi ng Second District kung saan naiwan sa ikalawang distrito ang Baliwag, Plaridel at Bustos. Ang Angat at Norzagaray naman ay dating bahagi ng ikatlong distrito habang ang Sta. Maria ay dating sakop ng ika-apat na distrito. Naiwan sa ikatlong distrito ang San Ildefonso, San Miguel, Donya Remedios Trinidad (DRT) at San Rafael at naiwan naman sa ika-4 na distrito ang Obando, Marilao at Siyudad ng Meycauayan.

Mabuting kongresista

Pamimili naman sa karapat-dapat na mabuting kongresista ang napagbalingan ngayon ng mga residente sa mga bagong mga distrito dahil sa ihahalal na nila ito sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Kasamang atas ng RA 11546 ay para sa Commission on Elections upang paghandaan ang pagpapatupad ng nasabing reaportioning o pagdadagdag ng dalawa pang legislative districts sa lalawigan.

Ayon sa guro na si Joyce Galamiton Dalisay, 33, mula sa Bayan ng Guiguinto, pantay pantay na sana ang pagtingin at mga proyektong ibababa ng kongresista at hindi iyong sistemang ang priority lamang ay ang bayang pinagmulan nito.

“Sana mabuting proyekto para sa lahat ng bayan ng distrito.  Mababawasan na ang mga maririnig mo na e kasi bayan niya iyan kaya priority niya!” 

Ayon naman kay Val Trinidad, municipal employee sa Bayan ng Angat, dapat pagbasihan ng allotment ng pondo ng bawat distrito ang lawak ng lupa at ng populasyon ng mga bayang sakop nito katulad ng kanilang bayan na malawak at maraming mga residente.   

“Kung walang pagbabago sa balangkas ng pagpo-pondo sa bawat distrito, pwedeng asahan na lalaki ang alokasyon sa bawat bayan ng ika-anim na distrito, mataas ang populasyon ng Angat, Sta. Maria at Norzagaray, mataas ang antas ng komersyo at malawak ang lupain na nasasakupan.  Sana lang ay isa sa maaaring basehan ng pondo iyan ng bawat distrito,” pahayag niya. 

Ayon naman kay Hermie Mendoza, isa ring guro at part time businesswoman mula rin sa Bayan ng Angat, isang malaking blessing ang magkaroon ng panibagong distrito sapagkat panibagong pondo ito para sa basic servicers sa mga residente. Kasabay nito ang kanyang hiling na sana ay mabuting lider ang maupo sa kanila sa bagong ika-6 na distrito.  

Samantala ay hindi nagalaw ang Unang Distrito at nanatiling sakop nito ang lahat ng mga bayan nito—Bulakan, Paombong, Calumpit, Pulilan, Hagonoy at Siyudad ng Malolos.  

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...