GUIGUINTO, Bulacan-Umabot sa halos 2,000 tricycle drivers and operators (TODA) sa bayang ito ang nabiyayaan ng tig-P1,000 halagang fuel subsidy sa ilalim ng programang “Alalay sa mga Tsuper ng Bayan Birthday Alalay ni Mayora Agay” kamakailan lamang.
Ginanap ang pamimigay ng P1,000 cash ayuda sa 1,979 mga tricycle drivers and operators sa bayang ito noong Setyembre 29 sa Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center kaalinsabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng alkalde.
Ayon kay Mayora Agay, target nilang pagkalooban ng munting regalong alalay sa petrolyo ang 3,000 rehistrdong miyembro ng TODA sa kanilang bayan subalit nauna na nilang napagkalooban ang nasabing kulang 2,000 sa hanay nito.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Isang Linggong Kaarawan, Isang Linggong Serbisyo sa Bayan. Nagdaoa ng kaarawan ang alkalde noong Oktubre 1.
Kabilang din sa tampok na mga programa at proyekto sa Isang Linggong Kaarawan, Isang Linggong Serbisyo sa Bayan ang pamimigay ng fertilizers sa mga magsasaka, sports fest sa mga empleyado, pagkilala sa natatanging mga guro, pagpapailaw ng mga madidilim na bahagi ng lansangan at pagbubukas ng mga branches ng dagdag na mga negosyo.
Naging matingkad din ang tinanggap na award ng Munisipyo ng Guguinto bilang isa sa 16 na pinaka mahusay at magaling na tanggapan ng Local Civil Registry Office sa buong bansa.
Ayon kay municipal administrator Elmer Alcanar, ilan lamang ito sa mga naging special na priority projects ng alkalde para sa kanyang kaarawan subalit ang higit na mas malawak at mas malalaki pang proyekto para sa buong bayan at lahat ng sektor ay naumpisahan na at patuloy na ipapatupad sa unang buong tatlo taon ng punong-bayan.