P13.6 milyon halaga ng shabu nakuha ng police sa buy-bust ops sa Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Mahigit 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million ang nakuha ng mga pulis mula sa isang 31 anyos na tricycle driver sa Quiapo, Maynila sa isang buy-bust operation kaninang madaling araw.


Ayon kay PNP Reg. 3 Director PGen Matthew Baccay, si Abubakar Sandigan, alias “Kapatid,” mula sa TIP St., Barangay 311, Quiapo, Maynila ay nahuli na dala-daa ang mahigit 2 kilo ng shabu na nasa loob ng Chinese Tea bags bandang 1:35 a.m. kanina sa Barangay Tikay.


Ka-transaksiyon ang tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos police sa may harapan ng Tikay elementary school, nakatakas naman ang kasama ni Sandigan na si alias “Ali” sakay ng motorsiklo. 


Ayon kay Col. Christopher Leano, acting chief of police ng Malolos, si alias Ali ang ka-transaksiyon ng kanyang mga tauhan subalit mabilis itong nakatakas at si alias “Kapatid” ang naaktuhang may dala-dala palang malaking volume ng droga.
Ayon kay Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr., kung hindi nasabat ang droga ay nakakalamang na naikalat na ito sa mga lansangan sa Bulacan.


Pinuri ni Baccay ang Bulacan police partikular ang Malolos drug enforcement unit at ang patuloy na maigting umano na operations laban sa droga ay bahagi ng Double Barrel Reload Finale ng buong PNP. 


Ayon kay Baccay, direkta ng iniimport ng mga nasa likod ng illegal drugs ang kanilang produkto dahil halos ay nasimot ng mabuwag ng pulisya ang mga drug laboratories sa maraming lugar sa bansa. Patunay umano nito ay ang pang ilang beses na nilang pagkakarecover ng shabu sa loob ng Chinese Tea bags. 


Nagpasalamat naman si Mayor Gilbert Gatchalian sa tagumpay na operasyon ng Malolos police kontra illegal na droga. Ibinalita rin ng alkalde na idineklara ng drug-free ang Barangay Cofradia dahil sa mahusay na anti illegal drug operations ng pulisya sa siyudad.


Ayon kay Lukban, sinampahan na nila ng paglabag sa Sections 5, 11 and 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Say Bye To Red Flags and Hello To Green Flags

TanTan Tribe Officially Launches To Provide An Inclusive and...

FREE Ugly Xmas Sweater Tonight: UNAWA’s Road to 12.12 TikTok Live at 11 PM!

Tune in to UNAWA's Road to 12.12 TikTok Live...

How Babylon Bitcoin Staking Works and 9 Important Things to Know

Discover Babylon Bitcoin Staking: a secure, decentralized way to...

Comprehensive Guide to Bitcoin Staking on Babylon via Bitrue APR Up To 2,3%

Unlock Bitcoin's potential with Babylon and Bitrue! Stake BTC...