Pa-Jollibee birthday ni Mayor Joni, binuhay muli ni Atty. Sherwin Tugna

Published

Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig

BOCAUE, Bulacan–Mahigit 700 residente sa bayang ito ang muling nakakain ng Jollibee pa-birthday treat matapos buhayin ni Atty. Sherwin Tugna ang nakagawiang birthday blow-out ng kanyang yumaong kabiyak, Mayor Joni Villanueva sa mga kababayan kapag kaarawan nito noong ito’y nabubuhay pa. 


Masayang masayang nakapananghalian ng Jollibee chicken, spaghetti at pansit ang mga taga Saint Martha sa Barangay Batia at maging taga Barangay Lolomboy noong Biyernes ng ipagdiwang ni Atty. Tugna ang kanyang kaarawan sa piling nila. 


Ayon kay Tugna, hindi siya naghanda sa bahay at sa kanyang pamilya bagkus ay pinili niyang ibili na lamang ng pananghalian ang mahigit 700 kababayan sa nasabing dalawang barangay bilang pagbuhay at pagtutuloy sa tradisyon ng kanyang maybahay noong nabubuhay pa ito na mag blow out ng Jollibee foods sa mga bata sa maraming lugar sa kanilang bayan. 

Isa sa mga residenteng masayang masayang naki-celebrate at naki Jollibee pa-birthday ni Atty. Sherwin Tugna. Larawan ni Anton Catindig


Ang tradisyong pagblow-out ng nasabing masarap na pananghalian ay isinagawa naman ni Atty. Tugna sa mga nanay nanay at mga kababaihan bilang ina ng tahanan at higit na lalong pagpupugay sa ala-ala ng kanyang kabiyak bilang ina at ilaw ng kanilang tahanan.


Noong kaarawan niya noong isang taon ay hindi pa niya nabuhay ang nasabing tradisyon ng yumaong alkalde sapagkat nasa karubduban pa siya at kanilang apat na anak ng pagluluksa. 


Matapos ang mahigit isang taon, nito ngang kaarawan niya noong Biyernes ay binuhay niya muli ang nasabing pa-birthday blow-out sa mga kababayan. 


Bumati, nakiisa at nagbigay ng suporta sa nasabing pa-birthday blow out ang mga barangay officials ng Batia at Lolomboy gayundin ang mga kasama ni Atty. Tugna sa Team Solid na mga konsehales at ang kanyang tandem sa pagka-mayor, ang kanilang kuya, dating Mayor Eduardo “JJV” Villanueva Jr.


Nalugmok man dahil sa paghihirap ng kalooban nang mawala ang kaniyang kabiyak sa buhay, nag-uumpisa na ring bumangon mula sa labis na kalungkutan si Atty. Tugna lalo na at sasamahan niya ang kanilang Kuya JJV sa pamumuno at paglilingkod sa Bayan ng Bocaue.


Ang kanilang tandem kasama sina Vice Mayor Alvin Cotaco, dating mga konsehal at kasalukuyang kagawad Mira Bautista, Ate Jane Nieto, Takong Del Rosario, Aries Nieto, Noriel German, Gigi Salonga, Gerome Reyes ay naghain ng kanilang kandidatura bilang Team Solid na maglilingkod sa Bayan ng Bocaue.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Alsons Power: Energizing Mindanao’s Path to Growth and Development

GENERAL SANTOS CITY – “Alsons Power is helping...

Angeles City council faces P24.6-M ghost employee corruption charges

Angeles City, Pampanga --- The members of the Sangguniang...

Latest Solana and XRP Price Analysis, #Uptober Impacted by Iran’s Attack on Israel?

Iran's attack on Israel dampened the #Uptober tradition in...