Pahabol sa Biyernes Santo

Published

BULAKAN, Bulacan–Ilang minuto bago ang tradisyunal na tanghaling tapat tuwing Biyernes Santo na inaalalang patay na si Kristo, nakahabol pa ang namamanatang ito.


Isa lamang siya sa daan-daang nakabalik muli sa pamamanata ng pagpasan ng krus, pag-dakip, penitensiya at pagpapako sa krus ngayong Mahal na Araw 2022 matapos na halos ay magbalik- normal na ang sitwasyon mula sa dalawang taong pandemya kung saan ay tigil ang lahat ng social, cultural, religious and tourism activities.


Kahapon, araw ng Huwebes lalo na ng bandang hapon-pagabi, halos ay magsara ang maraming lansangan sa bayang ito dahil sa mga taong sabik na pinanood ang mga dinadakip kabilang na ang isang nagsimula ng kanyang dakip na panata mula sa Panginay, Balagtas patungo sa bayang ito.


Daang taon na ang tradisyong Pilipino na ito tuwing Mahal na Araw. 

Isa pa ang lalaking ito na namataang namamanata ngayong Biyernes Santo. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig


Ipinamamanata ng mga kababayan nating Pilipino ang pagpasan ng krus, pag-pinitensiya, pag-dakip, pag-pako sa krus kapalit ng mga kahilingan nila sa Diyos na pagalingin ang mahal nila sa buhay na may malubhang karamdaman, pagpapanata sa pagliligtas sa kanilang buhay mula sa ano mang sakuna at panata ng pasasalamat matapos kamtin ang kagalingan.


Marso ng 2020 ng tumama ang COVID-19 pandemic at simulang ipagbawal ang ganitong mga aktibidad. Maging ang panahon ng Mahal na Araw noong isang taon, 2021 ay patuloy pa ding walang ganitong mga panata dahil sa pananatii pa rin ng pandemya.


Sa ngayong pagsasailalim sa Alert Level 1 ng halos lahat ng lugar sa bansa simula Pebrero matapos ang Omicron wave noong Enero ay matagumpay na ngang unti-unting nagbabalik sa normal ang pagsasagawa ng mga katulad nitong activities.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...