Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at BI, nangakong lalabanan ang human trafficking sa lalawigan

Published

Lumagda si Gobernador Daniel R. Fernando sa declaration of commitment na layong masupil ang human trafficking at palakasin ang kampanya at programa ng probinsiya kontra dito sa idinaos na Bureau of Immigration Caravan – Stop Human Trafficking, We Care, We Support na ginanap sa 7th Floor Function Hall, E-Library ng Bulacan State University, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon.

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa makabuluhang hakbang upang tugunan ang lumalalang isyu ng human trafficking, nangako ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Bureau of Immigration (BI) na lalabanan at wawakasan ang krimen sa trafficking sa lalawigan sa isinagawang Bureau of Immigration Caravan – Stop Human Trafficking – We CARE, We SUPPORT na ginanap sa 7th Floor Function Hall, E-Library ng Bulacan State University dito kahapon.

May temang ‘Community Awareness, Responsive Action and Vigilance Against Networking on Human Trafficking’, nilagdaan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro kasama sina Bulacan State University President Teody C. San Andres; keynote speaker Department of Justice Assistant Secretary Abgd. Jose Dominic C. Clavano IV; mga pinuno ng tanggapan sa pangunguna ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino at Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena J. Tiongson; Guiguinto Mayor Agatha Paula A. Cruz at Calumpit Mayor Glorime M. Faustino; at ng Philippine National Police ang declaration of commitment upang palakasin ang samahan sa layuning mapigilan, matukoy, at litisin ang mga kaso ng human trafficking sa Bulacan.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Asec. Clavano ang pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa pagpigil ng human trafficking dahil sa pagiging malapit nito sa mga komunidad, kakayahang magpatupad ng mga lokal na patakaran at tungkuling magbibigay ng direktang serbisyo; hikayatin sila na magpatupad ng mga community-based na programa na magtuturo at magpapalakas sa mga indibidwal upang mabawasan ang kanilang susceptibility sa trafficking at magtatag ng local taskforces para subaybayan at tumugon sa mga kahina-hinalang aktibidad.

“Yung mga magsusumbong po, hindi naman po ‘yan didiretso sa national government, hindi rin po iyan didiretso sa Immigration, dito po iyan tatakbo sa inyo sa local government units,” aniya.

Sa pagtanggap ng kanyang mga tungkulin para sa lalawigan, nangako si Fernando na palakasin ang mga kampanya at programa ng lalawigan laban sa forced labor at sex trafficking na pangunahing nakaaapekto sa mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC).

“We will never tolerate this in the Province of Bulacan. This horrible crime must end. We must strengthen law enforcement to bring criminals to justice.  And we must invest more to help survivors rebuild their lives,” anang gobernador.

Kabilang sa mga pagsisikap na ito ay ang pagsasagwa ng mga oryentasyon at seminar para sa mga kawani at boluntaryo hinggil sa paghawak ng mga kaso ng Trafficking in Persons (TIP) at Anti-Online Abuse or Exploitation of Children (OSAEC); aktibong pagkakaroon ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC), PCAT-VAWC, at Provincial Council Against Child Labor (PCACL); at ang partnership ng Pamahalaang Panlalawigan para sa S.H.I.E.L.D Program, na naglalayong palakasin ang mga pagsisikap na maiwasan ang child labor.

Alinsunod sa Joint Memorandum Circular No. 2010-1 ng Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, at Department of Justice, nilikha ang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) upang palakasin ang local structure para sa magkakasamang pagtugon sa problema ng trafficking at VAWC.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...