Panawagan ni TESDAMAN: Mabilis ngunit maayos na transition para sa DMW

Published

Nagbabala si Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa Transition Committee na magtatag sa Department of Migrant Workers (DMW) na gawing mabilis ngunit maayos ang mga susunod na hakbang para gawing fully constituted ang bagong ahensya.

“The Transition Committee should aim for a speedy and orderly turnover of functions to the DMW during the transition period, while making sure that there are no interruptions to OFW services. Makakasagabal sa kabuhayan ng ating mga migrant workers ang anumang kaguluhan, kalituhan, o pagkaantala sa transition period na ito,” sabi ni Villanueva.

Ito ang naging pahayag ng senador matapos maglabas ng kautusan ang DMW na bawiin ang deployment ban ng OFWs sa Saudi Arabia, na taliwas sa kasalukuyang utos ng Department of Labor and Employment. Sinabi rin ni Villanueva na hindi dapat muna maglabas ng mga kautusan o direktiba ang DMW tungkol sa mga deployment ban habang hindi pa fully constituted ang departamento.

Ayon sa Republic Act No. 11641, o ang Department of Migrant Workers Act, kailangan ng DMW Secretary na konsultahin muna ang Advisory Board on Migration and Development, at ang Secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago magdesisyon tungkol sa kahit anong deployment ban, ang mangyayari lamang ito kung fully operational na ang DMW.

Sinabi pa ng senador na maaring gamitin ng mga illegal recruiter at fixer ang mga nakakalitong direktiba lalo na tungkol sa mga deployment ban para manloko ng mga OFW.

“The transition period compounds a very delicate time for our migrant workers. Direktang apektado na ang sector sa pagpasok ng bagong administrasyon, apektado pa sila ng mga global event gaya ng pandemic at alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Let’s get our act together for our OFWs,” sabi ni Villanueva.

Ayon sa author at sponsor ng R.A. 11641, tumataas na ang bilang ng OFWs na lumalabas sa bansa habang nagbubukas na ang mundo mula sa pandemya. Gayundin naman, may mga nagsisibalikan na OFW dahil pa rin sa pandemya, at nagreresulta ito sa “reverse diaspora” o “brain gain” sa Pilipinas. Sinabi rin ng senador na abala rin ang mga ahensya ng gobyerno ang pagserbisyo sa OFW sa mga areas of concern gaya ng Shanghai, Hongkong, at Ukraine.

“The Transition Committee faces challenging tasks especially during an election year, but our OFWs deserve a good and fresh start for the new department,” sabi ni Villanueva.

Ayon sa DMW Act, magiging fully constituted lamang ang ahensya matapos ang publication ng Implementing Rules and Regulations (IRR), pagpasa ng staffing pattern sa Department of Budget and Management, at pagkakaroon ng budget sa General Appropriations Act sa unang taon ng operasyon ng ahensya.

“Mas mabilis nating matutupad ang ating pangakong serbisyo sa mga OFW kung mas mabilis matapos ng Transition Committee ang mga requirement ng batas para sa pag-constitute ng DMW,” sabi ni Villanueva.

Ang Transition Committee ay kinabibilangan ng DMW Secretary, Undersecretary for the Office of Migrant Workers Affairs ng DFA, at mga pinuno ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), International Labor Affairs Bureau (ILAB), National Reintegration Center for OFW (NRCO), National Maritime Polytechnic (NMP), at ng Office of the Social Welfare Attaché (OSWA).

Pinaalahanan din ni Villanueva ang Transition Committee na polisiya ng gobyerno na gawing option lamang para sa mga manggagawang Pilipino ang mag-ibang-bayan para makapagtrabaho.

“Trabaho natin sa gobyerno ang bigyan ng skills training ang mga manggagawang Pilipino, para makapagtrabaho at magtagumpay saan man nila mapili. Trabaho din nating gawing “best place to work for Filipinos” ang sarili nating bansa. The grass is always greener on the side where it is watered,” sabi ng chair ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...