Pandi Magic 7 Coop: Walang anomalya sa DSWD livelihood fund

Published

PANDI, Bulacan–Mariing pinabulaanan ng mga opisyales ng Magic 7 Cooperative Inc. ng Bayan ng Pandi na may anomalya at iregularidad sa P6.9 Milyon halaga nilang pondo mula sa Livelihood Assistance Grant (LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektadong sektor sa kanilang lugar bunsod ng pandemyang dala ng COVID-19. 

 
Ito ang ipinahayag ni Nick Cabias, pangulo ng nasabing samahan matapos ang isinagawang imbestigasyon ni Mayor Enrico Roque noong isang linggo upang malinawan ang umano’y anomalya.


Isinagawa ni Roque ang imbestigasyon bilang pag-suporta sa nauna ng nabalitang imbestigasyong isasagawa ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) makaraang umano ay tumanggap ito ng reklamo mula sa 15 miyembro ng Magic 7 na sinasabing sapilitan silang kinolektahan ng mga opisyales nito ng P5,000 at ang iba ay P10,000 na share capital para sa isang pangkalahatang pangkabuhayan project. 


Ang Magic 7 ay may kabuuang 1,009 miyembro at ang nakolektang pondo ay umabot sa P6.9 Million. 


Bago pa ang unang hearing sa ilalim ng nasabing imbestigasyon ay sumulat si Roque sa PACC at humihingi ng kopya ng nasabing reklamo ng 15 Magic 7 members. 


Itinanggi ni Cabias ang alegasyon at sinabing walang katotohanan ang nasabing balita at katunayan ay walk-in pa umano at kusang nagpunta sa kanilang tanggapan ang kanilang mga miyembro upang maglagak ng puhunan para sa kanilang itatayong proyektong pangkabuhayan. 

Ang ginagawang talipapa ng Magic 7 Cooperative sa Barangay Mapulang Lupa, Bayan ng Pandi na matatapos ngayong darating na Nobyembre. Larawan mula kay Nick Cabias.


Idiniin pa niya na ng nakolektang pondong P6.9 Million ay ginamit nila sa kasalukuyang itinatayong talipapa sa Barangay Mapulang Lupa kung saan ay magkakaroon ng puwesto ang mga miyembrong nag-share ng capital upang makapagtinda at magkaroon ng permanenteng kabuhayan ayon sa layunin ng LAG. 


“Intact ang aming pondo at walang anomalya. Nagulat na lamang kami ng may biglang ganyang balitang kumalat,” pahayag ni Cabias sa NEWS CORE. 


Ang Magic 7 ay itinayo ni Cabias at anim pang mga kasama mula sa katulad niyang sektor ng mga house owners, vendors sa palengke, manlalako o street sellers, transport group at sektor ng indigents mula sa samahan ng 4P’s upang makapagtayo ng sama-samang pangkalahatang pondo na magagamit pangkabihayan bilang pagtalima sa layunin ng LAG. 


Ang pagbuo sa cooperatiba ay kaalinsabay ng unang pag release ng pondo noong Setyembre 2020. Natapos ang pag release ng pondo Marso nitong taon. 


Hindi buong P15,000 na tinanggap ng bawat isang miyembro ng Magic 7 ang ibinigay nilang share capital bagkus ay may nagbigay ng P5,000 at mayroong P10,000 habang ginamit sa personal na pangangailangan ang iba. 


Sa kabuuan, sa halagang P15,000 bawat isang LAG beneficiary ay may total na halagang mahigit P52-Million ang tinanggap ng 3,521 na mga residente ng Pandi na higit na nangangailangan. Ito ang isa sa pinakamalaking LAG allotment sa bansa at bumaba sa Bayan ng Pandi dahil sa pagsusumikap ni Roque. 


Sa nasabing hearing, dumating din ang ibang beneficiaries ng LAG sa Bayan ng Pandi mula sa grupo ng senior citizens, PWD, women’s group at iba pa na hindi miyembro ng Magic 7 at napag-alaman sa kanila na sila rin ay naglaan ng pondong pangkalahatan para naman sa pangkabuhayan nilang grocery stores. 


Ayon kay Cabias, matatapos na sa Nobyembre ang kanilang talipapa.


Nagpasubali naman si Roque na walang sasantuhin ang Task Force LAG na kanyang binuo at pinangungunahan sino man ang kanilang mapatunayang gumawa ng anomalya at iregularidad..

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

NEW PANDI MUNICIPAL HALL

Pandi town officials Mayor Enrico Roque and Vice Mayor...

Big challenge to journalists: ‘Fight fake news, help the gov’t’

 Joselle Czarina S. Dela Cruz CLARK, Pampanga—Everyone has a fair...

Bulacan Institutionalizes Makabata Helpline 1383 to protect children’s rights

CITY OF MALOLOS - In a significant step towards safeguarding...

NLEX, Chinabank enter Php 10B loan agreement

To support lined-up expansion and enhancement projects that aim...