PARANGAL SA BAYANI NG GIYERA KONTRA COVID-19: Pangalan ng mga doctor at nurses ilalagay sa Wall of Heroes

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Paparangalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga doctor, nurses at attendants bilang mga bayani sa digmaan sa pandemyang COVID-19 matapos silang magbuwis ng buhay habang ginagampanan ang tungkulin sa pag-gagamot at pag-aasikaso sa mga Pilipinong tinamaan ng nasabing karamdaman. 


Ito ang ipinahayag ng Pangulo sa kanyang speech kahapon sa maikli subalit sadyang makabuluhang selebrasyon ng ika-123 taon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa harapan ng Capitolyo ng lalawigan kung saan pinarangalan niya ng Order of Lapu-lapu ang mga bayaning Marcelo H. Del Pilar at Gen. Gregorio Del Pilar. 


“Paparangalan natin ang ating mga bayaning doctor, nurses at attendants na namatay dahil sa pagsisilbi sa ating bayan sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pangalan sa Wall of Heroes sa Libingan ng mga Bayani,” pahayag ng Pangulo.


Ginagawa na raw ngayon sa Libingan ng mga Bayani ang nasabing Wall of Heroes. Nagpasalamat ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines dahil sa pagpayag nito na itayo doon ang Wall of Heroes para sa medical front liners na bayani ng bansa sa COVID-19 pandemic. 


“Nagpapasalamat tayo sa Armed Forces of the Philippines dahil sa kanilang malasakit sa kapwa Pililipino”. 


Dagdag ng Pangulo, ang patuloy umanong pag-unlad ay makakamit lamang nating mga Pilipino kung hindi natin iwawaglit at patuloy nating mauunawaan at iwasaksi ang kalayaang ating nakamit dahil sa sakripisyo at paghihirap ng ating mga bayani may 123 taon ng nakakalipas. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

500 Pandi residents benefit from DSWD’s Project LAWA at BINHI

By Vinson F. Concepcion MALOLOS CITY (PIA) -- About 500...

Eastern Communications Backs Government Agenda for a Digital-First PH

MANILA, PHILIPPINES — Eastern Communications upholds its support for...

Teacher training misaligned with classroom needs–PIDS

Teacher training in the Philippines needs to align with...

Fernando charts course for lasting legacy in third term

CITY OF MALOLOS – Governor Daniel R. Fernando isn't just...