MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

MONDRAGON

Vhioly Rosatazo Arizala

Tuwing nalalapit ang election, nagiging mainit ang usapin na kung kailangan na nga bang buwagin ang party list system.

Marami kasing grupo ang nagpapalutang ng mga mungkahing buwagin na lamang ang party list dahil hindi naman daw ito napapakinabangan ng ilang mga sektor, na dapat sila ang kinatawan nito.

Base sa Republic Act No. 7941 na tinatawag na Party List Sytem Act na naisa batas noong March 3, 1995 sinasabi rito na “the state shall promote proportional representation in the election of representatives through a party list”

Dahil hindi umano nailatag ng maayos ng district congressmen ang marginal sectors sa ating lipunan kaya ang bilis naisabatas ang party list system.

Naglalayon umano ang batas na ito na magkaroon ng kinatawan  o boses ang marginal sector.

Kung tutuusin ang mga congressional representative ay sapat na para katawanin ang bawat kanilang distrito, subalit maliwanag pa sa sikat ng araw ay hindi naman nila nagagampanan ito ng maayos.

Noong una maraming natutuwa at pumupuri sa mga partylist, pero ng lumaon ay inabuso rin nito ng mga pulitiko na hindi kayang bitawan at kapit tuko sa kanilang mga pwesto.

At naging dahilan pa ito upang magkaroon ng political dynasty lalo’t nakaupo na ang isa sa pamilya at nagiging dahilan para buong pamilya ay nakapwesto na, anak, mag asawa gayundin ang mga kapatid, parang pinakyaw na lahat ng puwesto.

Kaya huwag tayong magtataka na marami o halos sa mga mambabatas ay yumayaman ng husto.

May napapabalita pang maghahati hati ng distrito. Iyon dating magkakalaban ngayon ay magkakampi na sapagkat pare pareho silang papasok na mga mambabatas. Eh di woooowwww…. 

Kaya hindi ako nagtataka na ang mga pagmumukha ay nakasabit kung saan na hindi naman nya sakop ..tsikkk,,,, Good luck sa ating lahat…