PAOMBONG, Bulacan—Hindi nilulubayan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro kasama si Bokal Mina Fermin, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) chief Rowena Joson-Tiongson at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) chief Manuel Lukban Jr. ang pamumudmod ng relief goods sa mga nasalanta ng baha dala ng malalakas na ulan bunsod ng mga nagdaang bagyong Egay at Falcon at hanging habagat.
Nitong hapon ng Huwebes, Agosto 24 ay tinapos na ng grupo ang Bayan ng Paombong makaraang ihatid ang mahigit 2,000 food packs sa mga residente ng San Isidro I, Poblacion at San Roque.
Bahagi ang mga food packs ng mahigit P500-milyon halaga ng mga ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Secretary Rex Gatchalian na ipagkaloob sa mga aprktadong Bulakenyo.
Seremonyal na ginawa ang pamamahagi sa pagitan nina Fernando at mga barangay officials ng mga nabanngit na lugar.
Nauna ng tinapos ang pamumudmod sa mga Bsyan ng Hagonoy, Calumpit, Bulakan, Bocaue, Guiguinto at marami pang iba.