Ni: Christian Paul S. Tayag
MANILA–Itinanggi ni PDP Laban Secretary General Atty. Melvin Matibag ang paratang na ang mga political parties na gagamitin ang panahon para sa substitution ng kanilang mga standard bearers sa national election sa taong 2022 ay gumagawa ng pang-iinsulto sa proseso ng halalan.
Nauna nang itinanggi ng nangungunang partido ang mga haka-haka na ang kanilang kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ay isang “placeholder” lamang para sa anak ng pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Binigyan diin din ni Matibag na si Dela Rosa, na nag-file ng kanyang certificate of candidacy noong huling araw ng filing ay hindi isang “last-minute candidate” dahil nasa listahan siya ng mga posibleng kandidato sa pagkapresidente ng partido mula nang simulan nito ang internal selection process.
Ayon kay Matibag, “If the real intent of the Omnibus Election Code envisioned only those who will die along the way or be disqualified, then why didn’t the lawmakers just state so? It’s that simple. If the law is clear there should be no room for interpretation”.
Isinasaad sa Artikulo IX, Seksyon 77 ng Omnibus Election Code, “If after the last day for the filing of certificates of candidacy, an official candidate of a registered or accredited political party dies, withdraws or is disqualified for any cause, only a person belonging to, and certified by, the same political party may file a certificate of candidacy to replace the candidate who died, withdrew or was disqualified.”
Sa ilalim ng Commission on Election’s calendar sa halalan para sa sa 2022, ang pagpapalit para sa isang kandidato sa isang pambansa or lokal na post ay maaaring payagan pagkatapos ng panahon ng pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) hanggang ika-15 ng Nobyembre taong 2021.
Binigyang diin din ni Matibay na, “It’s not a mockery of the elections law if the political parties use every available legal option, or time, for them to finally decide the candidates to field,” Sinabi ni Matibag na naghahanda ang PDP Laban na ilabas ang caravan nito upang mangampanya para sa tandem ni Dela Rosa at ng kanyang running mate sa pagka bise presindente na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go. Gayumpaman, sinabi niya na walang mali kung magpasya ang partido na magkaroon ng kapalit si “Bato” sa ngayon o bago ang ika-15 ng Nobyembre.
Sinabi rin ni Matibag na, “The Comelec resolution allows for substitution up to November 15. That is a process that we have to respect and recognize,”
Binigyang diin niya na ang mga deadline ng Comelec ay mayroong “certain logic” sa kanila, na nabanggit na ang deadline na hanggang ika-15 ng Nobyembre ay nangangahulugang ang Comelec ay may sapat na oras upang mai-print ang mga balota na naglalaman ng pinal na listahan ng mga kandidato.
Ayon pa rito, ang isyu ng pagpapalit ay hindi magiging mahalaga kung hindi pa nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte noon 2016 bilang isang kapalit na kandidato para sa PDPD Laban.
“Any political party can opt to utilize the rule on substitution as it is allowed by law. It is available to everyone without distinction. A mockery is when rules are not applied equally. And every party is entitled to employ its own political strategies”.
Dagdag ni Matibag na, “Just like the Liberal Party Chairperson choosing to run as an independent candidate and changing her color from yellow to pink. In short, anyone in the political game may employ a strategy as long as it is within the bounds of the rules”.
Gayunpaman, tumanggi na magbigay ng komento si Matibay ukol sa pag-amin ng ehekutibo ng Lakas-CMD na si Prospero Pichay na inilagay nila ang mga kandidato na “place holder” na sina Anna Capella Velasco (Pangulo) at si Lyle Fernando Uy (Bise presidente) dahil sa “fluidity” ng sitwasyon. Sinabi ni Pichay na tinitingnan nila ang posibilidad na kuhanin alinman vkay Mayor Sara Duterte o Bongbong Marcos.
“I cannot comment on the Lakas-CMD actions since this concerns a party decision which candidates to field, endorse or adopt. But of course, we are always open to alliances to help PDP Laban candidates,” Sabi ni Matibag. Ang kontrobersya sa isyu ng papapalit ng mga kandidato ay nag-udyok sa isang mambabatas sa House of Representatives na sabihin na ipapanukala niya ang isang amendment sa batas na magbibigay ng pagbabawal sa pagpapalit maliban kung ang kandidato na hinirang ng isang political party ay namatay o na-diskwalipikado bago ang araw ng halalan.