PDP ni Pangulong Duterte masusubukan sa Bulacan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Nalalagay sa isang malaking hamon ngayon ang liderato ng partido ni Pangulong Duterte, ang Partido Demokratiko ng Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bulacan sa pagpili ng opisyal na kandidato sa pagka-kongresista sa kabubuo lamang na ika-5 distrito sa lalawigan. 

Ito ay matapos na bitbitin at suportahan ni PDP Secretary General Melvin Matibag ang kandidatura ng taga Bayan ng Pandi, Atty. Arnel Alcaraz para sa nasabing posisyon samantalang ang opisyal namang dala at ineendorso ng PDP Bulacan leadership ay si Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. .

Sa pinangunahan ni Pangulong Duterte na PDP Convention noong nakaraang linggo sa Pampanga bilang siyang national chairman ng partido, parehong dumalo sina Alcaraz at Cruz. 

Ayon kay PDP Bulacan Chairman, dating department of Energy Undersecretary Donato Marcos na ngayon ay National Power Corporation President and General Manager, si Cruz ang opisyal na ineendorso ng PDP Bulacan. 


Sinabi ni Marcos sa panayam ng NEWS CORE na ayon sa constitution and bylaws ng PDP, ang mga lokal na pinuno ng bawat lalawigan ang may kapangyarihang mag-endorso ng opisyal na mga kandidato ng partido.

“Nag-s-short cut si Alcaraz. He is violating the constitution ng PDP.  Isa sa pangunahing polisiya ng PDP ay democratic and participatory,” pahayag ng pinaka mataas na PDP official ng Bulacan.

Nauna rito ay nadismaya ang grupo ng PDP sa Bulacan sa pangunguna ni President Atty. Christian Natividad, chairman ng Optical Media Board (OMB) at dating mayor ng Malolos ng biglang dumating si Matibag bitbit  si Alcaraz sa seminar ng PDP na inisponsoran at ginaganap sa mismong pag-aari at balwarte ni Cruz na Agatha Resort and Hotel sa Guiguinto dalawang linggo ang nakakalipas. 
Sa nasabing convention sa Pampanga, may selfie picture si Alcaraz na nasa harap ni Pangulong Duterte na may mga kausap. Ito ay na post sa social media at marami ang nakakita. 

Ang ika-5 distrito ay ang nahiwalay at bumukod mula sa ika-2 distrito, mga bayan ng Guiguinto, Balagtas, Bocaue at Pandi habang naiwan naman sa nasabing distrito ang mga Bayan ng Baliwag, Plaridel at Bustos sa ilalim ng RA 11546 na naisabatas ngayong taon matapos aprubahan ni Pangulong Duterte. 

Si Cruz, patapos na ngayon sa second season ng kanyang tig three year term (1998-2007 at 2013-2022) bilang mayor ng Guiguinto at pangulo rin ng League of Bulacan Mayors ay kinilala bilang nasa likod ng kaunlaran ng Bayang Guiguinto mula sa matagal na pagkatulog nito at naghatid din ng kaunlaran sa mga katabing bayan ng Balagtas at Plaridel kabilang na rin ang Pandi at Bustos, maging Baliwag at iba pang bayan sapagkat nagkaroon ng Plaridel Bypass dahil sa kanyang matalino at matapang na paninindigan. 

Nag-rally siya sa North Luzon Expressway (NLEX) dala ang mga kabaong noong early 2000 bilang protesta ng isara ng noo’y Philippine National Construction Company ang Tabe Exit sa kanyang bayan na proyektong  kanyang ginawa at ibinukas upang maging daan at lagusan ng kaunlaran ang Bayan ng Guiguinto dahil ito ay naka-entrada sa NLEX. 

Ang Plaridel Bypass ang siyang naging kapalit na ibinigay sa kanyang entrada sa NLEX upang hindi na maulit ang kanyang mga protesta. 

Ang katulad na kaunlarang inihatid ng Plaridel Bypass sa maraming bayang nabanggit ay nasa blue print na ng alkalde na gagawin sa ika-5 distrito kung siya ang papalaring maging kinatawan nito. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...