Inisponsoran na ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa plenaryo ang Senate Bill No. 2035 na naglalayong magtatag ng Trabaho Para sa Bayan Plan, na magsisilbing ‘long-term employment generation and recovery’ master plan ng bansa.
Ayon kay Villanueva, layunin ng landmark legislation na kilala bilang “Trabaho Para sa Bayan (TBP) Act”, na isulong ang ‘job-led economic growth and enhanced industry collaboration’ at magbigay ng pangkalahatang serbisyo para sa worker development at suporta at insentibo sa mga negosyo.
Sabi pa ng Majority Leader, ang panukala ay kasama sa priority measures ng Marcos administration.
“We are humbled and thankful to President Bongbong Marcos for personally asking us to lead in the passage of this measure,” ani Villanueva.
Ang TPB Act ay magbibigay ng employment policy na kumprehensibo, magkakaugnay at future-oriented o nakatuon sa hinarahap para mapagtuunan ng pansin ang pabago-bagong labor market ng bansa.
“Employment should not just be an incident to economic development. Generating more decent and permanent employment should be the objective of economic growth, to make growth inclusive and a reality for all,” sabi ni Villanueva.
Binigyang diin ng senador na hindi pa nalalagpasan ng Pilipinas ang “seasonality” ng trabaho kung saan maraming manggagawa ang kinukuha kapag peak months.
Noong Disyembre 2022, bumaba ang unemployment rate sa 4.3% mula sa 5.3% noong Agosto 2022. Subalit umakyat muli ito noong Enero 2023 kung saan nakapagtala ng 4.8% matapos ang holiday season. Samantala, nananatiling mataas ang underemployment rate na naitala sa 14.1% noong Enero 2023 mula sa dating 13.8% noong 2019, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Binanggit pa ng Majority Leader na ang PSA data ay nagpapakita ng malaking agwat sa employment sa service sector na 60% kumpara sa agricultural sector na 22.2% at industry sector na 17.1%
“Clearly, we need to diversify and increase opportunities in other sectors if we are to become a self-sustaining and prosperous country,” ani Villanueva.
Ang masterplan ay bubuuhin ng isang Inter-Agency Council na pamumunuan ng National Economic and Development Authority, bilang chairperson, kasama ang Department of Trade and Industry at ang Department of Labor and Employment bilang co-chairpersons.
Aatasan nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na bumuo ng pinagsama-sama at magkakatugmang solusyon para sa iba’t ibang bagay tulad na mga sumusunod:
• tumataas na walang katiyakan at impormal na trabaho;
• pagdagdag sa bilang ng manggagawa sa digital economy, gig economy, at platform work;
• Full-cycle reintegration ng Overseas Filipino Workers;
• Pagsusulong ng oportunidad sa prayoridad na sektor at sa mahahalaga at umuusbong na mga industriya na may mataas na potensiyal na makalikha ngg trabaho;
• Lumalawak na access sa aktibong labor market policies; at
• Job-skills mismatch at potensiyal na skills gap sa umuusbong na mga industriya.
Ang Inter-Agency Council din ang magtutugma sa lahat ng umiiral na polisiya, plano, programa at proyekto at makikipagtulungan sa inter-agency council na nagsisikap na magbigay ng magandang kapaligiran para sa trabaho at magpalago ng mga negosyo.
“The TPB Plan will harmonize and synergize all efforts towards a coherent and cohesive employment policy: Isang plano na magiging direksyon ng lahat ng polisiya, proyekto, programa, at iba pang mga inisyatibo upang patuloy na bumuo at gumawa ng dekalidad na trabaho para sa bayan,” ayon pa kay Villanueva.