PHP 2 Milyon cash ido-donate ng Bulacan sa Visayas, Palawan

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

LUNGSOD NG MALOLOS–Magkakaloob ng inisyal na P2-milyon halagang donasyon ang Bulacan sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas kabilang ang Palawan kasabay ng paglulunsad din ng lalawigan ng fund drive para sa patuloy pang pagtulong. 


Ayon kay Gob. Daniel Fernando, magpapadala ang Capitolyo ng tig P500,000 sa probinsiya ng Cebu, Surigao del Norte, Bohol kabilang ang Palawan upang makatulong sa mga pagtugong ginagawa ng provincial governments ng nasabing lalawigan sa problemang idinulot ng bagyong Odette. 


Ang pondo umano ay manggagaling sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. 


Sa kabila umano na very blessed ang Bulacan dahil hindi nito dinanas ang nasabing bagyo ay malungkot ang lalawigan dahil ang mga taga Visayas at Palawan ay napinsala ng bagyo ngayon pa namang Kapaskuhan.


“Hindi ito Christmas gift dahil hindi naman natin masasabing reregaluhan natin sila bagkus ay tulong at suporta ito sa kababayan nating nasalanta ng bagyo. Maganda na ang takbo natin ngayon laban sa COVID-19 pero eto, binagyo pa ang ating mga kababayan, tayo dito sa Bulacan ay mapalad dahil wala tayong bagyong daranasin, kaya nararapat natin silang tulungan,” pahayag niya sa media. 


Nanawagan ang gobernador sa kapwa niya Bulakenyo na gustong tumulong sa mga nabiktima ng bagyo na hindi alam kung paano ipaparating ang kanilang tulong na maaari nila itong dalin sa fund drive center ng Bulacan sa Capitolyo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...