Police chief ng San Miguel, Bulacan patay sa enkuwentro sa 2 holdaper

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan–Patay sa tama ng bala sa ulo and hepe ng pulisya ng San Miguel, Bulacan matapos maka-enkuwentro ang dalawang armadong robbery hold-up suspects sa ilang at madilim na lugar sa katabing bayan ng San Ildefonso Sabado ng gabi. 

Ipinag-utos na ni PNP Reg. 3 Director Jose Hidalgo kay Bulacan Police Director Relly Arnedo ang pagtugis sa hinihinalang 2 robbery hold-up suspects na nakipagbarilan kay PLt. Col. Marlon Serna mahigit 10:00 p.m. noong Biyernes sa Barangay Bohol na Mangga, San Ildefonso..

Sakay ng kanyang sasakyan at kasama ang isang 17 years old na minor na lalaki, rumesponde at tinutugis ni Serna ang dalawang naka motorsiklong suspects na nambiktima ng mag-asawang negisyanteng sina Ernesto at Irene Dela Cruz sa tindahan nito bandang 9:30 p.m. sa Barangay San Juan ng magkaenkuwentro sila ng hepe ng pulis.

Agad din namang rumisponde ang San Ildefonso poloce sa pangunguna ng hepe, Col. Russel Denis Reburiano at dinala sa hospotal si Serna. Namatay ito habang pilit na isinasalba ng mga doctor. 

Itinaas na ni Gov. Daniel Fernando, DILG, Chief PNP Edgardo Azurin, RD Hidalgo ang pabuya sa halagang P1.2 milyon sa makakatulong maituro ang mga suspects.

Sugatan ang isa sa mga ito matapos mataga ng isa sa biktimang mag-asawang Dela Cruz. Sugatan din sa tama ng bala ang isa sa mag-asawa ng makipagbuno laban sa armadong robbery hold-up suspects. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Calumpit fire kills 3 young children

CALUMPIT, Bulacan—Three young children were killed in a fire...

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...