I. INTRODUCTION
Patindi nang patindi ang baha
Mr. President, esteemed colleagues, I rise today on a matter of personal and collective privilege.
Kung maaari lamang pong i-tuon natin ang ating pansin sa mga screen para sa isang maikling video.
Karamihan po ng mga binaha sa video, isa lang po ang hiling: masaklolohan at ma-rescue sila. Kaya nais po nating magpasalamat sa mga bayani ng ating bayan — ang ating mga rescuer, social worker, pulis, coast guard, health worker, kasama na po ang mga magigiting na miyembro ng media, at mga weather forecaster ng PAGASA — na hindi matatawaran ang hirap at pagod tuwing may bagyo at pagbaha.
Tayo rin po ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng 36[1] na mga kababayan nating nasawi dahil nalunod, nakuryente, at nabaon sa mga landslides noong kasagsagan ng bagyong Carina.
Mr. President, halos sampung taon na po ang nakararaan, sa kasagsagan ng baha sa Hagonoy, Bulacan, may nakita po tayong isang palutang-lutang na sasakyan, isang CR-V po, itinali na po ng may-ari sa poste para huwag matangay ng rumaragasang alon.
Tanong ko po sa sarili ko – ano kaya ang pakiramdam na ‘yung pinaghirapan mong ipundar na ari-arian, wawasakin lang ng baha?
Senate Initiatives, from 2016-present
Isa po ito sa nagbigay sa atin ng dahilan para tumakbo sa Senado noong 2016. Ang paniwala ko po, kung mapapabilang tayo sa institusyong ito, may magagawa po tayo para masolusyonan o maibsan man lang ang malagim na sitwasyon ng ating mga kababayan sa Bulacan tuwing may baha.
Sabi ko rin po sa sarili ko – I want to be part of the solution.
Kaya unang taon pa lang po natin dito sa Senado – noong Agosto hanggang Setyembre ng taong 2016, nakiisa na po tayo sa mga pagdinig hinggil sa estado ng pagbaha sa bansa.
Pinondohan din po natin ng P10 milyon ang feasibility study ng DPWH para alamin kung ano ang mas siyentipikong mga paraan para solusyonan ang tumitinding baha sa Bulacan. Nang matapos ang feasibility study, ayaw naman i-implement kesyo kulang pa at kailangan pa ng dagdag na pondo!
Taon-taon din po, ni-re-raise natin ang isyu ng matinding pagbaha sa budget hearing ng DPWH.
Noong Setyembre 2022, matapos pong masawi ang limang PDRRMO rescuers sa San Miguel Bulacan, nanawagan din po tayong muli ng master plan sa DPWH. Ito rin po ang dahilan kung bakit sinimulan natin ang Mobile Command Vehicle sa pakikipagtulungan natin sa DOST, para makatulong sa pag-detect sa taas ng baha at wala na pong masayang na buhay.
At kung maaalala n’yo po Mr. President, sa halos parehong petsa noong Agosto 2023, tumayo po tayo muli para ilahad ang kalunos-lunos na sitwasyon ng ating mga kababayan dahil sa isyung ito.
Inihain din po natin ang Senate Resolution No. 693 para paimbestigahan ang palala nang palalang baha hindi lang sa NCR kundi pati na sa iba pang mga low-lying area sa bansa
Subalit tila walang nangyayari, Mr. President. Dahil kung may pinatungahan ang mga pagdinig at higit sa lahat ang bilyon-bilyong budget na hiningi sa Kongreso ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lalo na ng DPWH, eh di sana’y nakakakita po tayo ng pagbabago sa antas ng pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan o bagyo.
Oversight Functions
As part of our oversight functions, taon-taon na lang po tayong nangangalampag sa mga ahensya ng gobyerno para aksyonan ang problema sa matinding pagbaha. Para na po tayong sirang plaka, Mr. President.
Yes, I sound like a broken record; gasgas na gasgas na po at paulit-ulit-ulit-ulit-ulit na po ako.
Pero sa tibay at pagkamatiisin ng mga Pilipino, kakayanin pa pero huwag naman po sanang in the next 10 years, ganito pa rin ang sitwasyon natin!
Dahil kung walang magbabago at hindi natin masosolusyonan ang pagbaha, tinatanong ko na rin po ang sarili ko: Ano pa ang silbi na naririto po ako sa Senado?
II. FLOOD MANAGEMENT PROGRAM
Noong nakaraang Lunes sa SONA ng Pangulo, sinabi niya na mahigit 5,500 flood control projects na ang natapos at marami pang ginagawa sa buong bansa.
With what happened last week, this Representation can’t help but wonder – is the President being misled by the people around him? Nasaan ba itong mahigit 5,500 na flood control projects na natapos ng DPWH?
Karamihan daw po ng mga proyektong ito ay nasa Metro Manila pero nakita naman po natin kung paano pinalubog ng baha hindi lang ang mga kabahayan kundi maging mga bus at truck na na-stranded sa mga kalsada.
Just last year, ipinagmalaki sa atin ni Secretary Bonoan na magiging “game changer” ang mga flood control project ng DPWH sa Central Luzon.
A week after the Secretary’s statement, we inquired about it during the budget hearing and learned that it was merely a proposal that has not yet been approved by NEDA.
Kaninang umaga, napakinggan po natin ang General Manager ng MMDA na si USec Procopio Lipana, may sinumite na raw po silang Terms of Reference sa DPWH para sa Drainage Master Plan sa Metro Manila. Hanggang ngayon po pala, nasa proposal stage pa rin sila samantalang matagal na nating alam lahat na “antiquated” o bulok na ang ating mga drainage system at “light to medium” na baha lang ang capacity ng mga pumping stations dito sa Metro Manila.
Kaya kailangan na pong magpaliwanag – na naman – ng DPWH. What is the real status of our flood management master plan? Has it been reviewed and updated to respond to our changing times and needs?
Php1.44 Bilyon ang budget sa flood control kada araw!
Just last year Mr. President, we allocated roughly P280 billion for flood management and mitigation projects under the DPWH. This means we spent P1.079 billion a day on flood control projects in 2023.
Ngayong taon, mas mataas pa ang inilaang budget ng Kongreso sa DPWH para sa flood management. Nasa P1.35 bilyon kada araw na po ang pondo ng gobyerno para rito.
Ngunit kung susumahin natin kasama ang flood management-related budget sa ilalim ng DENR, DOST, MMDA, at Climate Change Commission, aabutin ng P1.44 bilyon kada araw ang ginagastos ng gobyerno para tugunan ang problema sa pagbaha.
Hindi pa kasama diyan ang ginagastos ng mga lokal na pamahalaan, Ginoong Pangulo.
P1.4 billion a day, Mr. President. Ang pondo ng Tulong-Trabaho Fund ng TESDA, P1.035 bilyon lang sa isang buong taon. Sa ginagastos ng DPWH sa flood control, makakapag-paaral na po tayo ng 67,147 TESDA scholars, makakapag-patayo na po tayo ng 700 classrooms, at makakapag-bigay na tayo ng Family Food Packs sa 1.78 milyong pamilya araw-araw.
Situation in Bulacan
Noong Huwebes, katuwang ang DSWD – at nagpapasalamat po tayo sa mabilis na pagtugon nina Secretary Rex Gatchalian, tayo po ay namahagi ng tulong sa ating mga kababayan sa minamahal nating lalawigan ng Bulacan na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Out of 572 barangays in Bulacan, mabibilang na lang po sa kamay ang hindi nalubog sa baha. Nasa higit P870 milyon na rin po ang pinsala sa imprastruktura at agrikultura sa aming lalawigan. Around this time last year, ganito rin ang sinapit ng mga Bulakenyo, Mr. President. Mas malala pa ngayon!
Situation in Metro Manila
Huwag na po tayong lumayo. Even the Senate premises and surrounding roads were not spared by the severe flooding last week, Mr. President. At its peak, the floods in front of the Senate gate were almost waist-deep.
Binaha rin po nang husto ang Quezon City, Valenzuela, Malabon, Caloocan, Pasig, Marikina, at Rizal. Pati mga lugar sa Makati na hindi naman binabaha noon, binabaha na ngayon.
At ano po ang nagbago sa sitwasyon ngayon? Lumulobong gastos sa flood control program at ang mga mapaminsalang reclamation projects diyan sa Manila Bay!
Kung tayo po ay magbabalik-tanaw, matagal nang nababalot sa kontrobersiya ang mga ganitong proyekto. Noong 2002, naging malaking isyu ang kasunduan sa pagitan ngPublic Estates Authority (PEA) at Amari Coastal Bay Development Corporation para mag-develop ng higit 150 ektaryang reclaimed land sa Manila Bay.
At sa mga ginawa na pong reclamation projects, may kahit isang pag-aaral na po ba na magpapatunay na hindi magdudulot ang mga ito ng pagbaha? Panoorin po natin itong maikling video mula sa pagdinig natin last year.
In August last year, the President ordered the indefinite suspension of 22 Manila Bay reclamation projects to give way to a thorough study on their environmental impact and legal compliance.
However, just three months later, the DENR announced that two reclamation projects were able to pass their compliance review, leading to the approval of the projects’ resumption.
May kurot sa puso tuwing napapatingin po ako sa mga reclamation projects na ito, siguro ‘yan ang dahilan kung bakit ngayon, hindi na Manila Bay ang tawag sa lugar na ito, Manila Sands na.
III. SOLUTIONS
Mr. President, hindi po pwede na ang sasabihin lang natin sa taumbayan ay “Malakas kasi ang ulan” o ‘di kaya ay “Maraming tubig-ulan kasi ang dala ng bagyo.” Hindi po ito katanggap-tanggap na dahilan ng pagbaha.
Hindi naman po tayo nagpapanggap na eksperto sa usaping ito pero huwag naman po sanang gamiting dahilan ang climate change para hindi na tayo kumilos at gumawa ng mga tamang polisiya.
Wala po bang mga datos o pag-aaral na makakatulong sa gobyerno para tugunan ang suliraning ito?
Sa Bulacan, bakit ang mga kalsadang hindi madaanan dahil sa baha 10 or 15 years ago, parehong mga kalsadang “not passable” pa rin ngayon? Ewan ko po sa inyong mga lugar, dear colleagues.
Hanggang kailan po ba tayo gagawa ng feasibility study na hindi naman na-iimplementa?
Nakikiusap tayo sa mga ahensya ng gobyerno: Magpakita naman tayo ng sense of urgency pagdating sa usaping ito. Ayon sa datos mula sa PSA, halos P500 billion na ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo at iba pang sakuna sa bansa sa loob lamang ng isang dekada. Ang gastos naman po natin sa flood management program in the past 10 years, nasa P1.14 trillion.
We need a comprehensive plan to address flooding now more than ever because according to a study by Climate Central, an independent organization of scientists, major cities in the National Capital Region could be submerged in water by 2050 due to coastal flooding brought about by climate change. The same study also indicated that our home province of Bulacan could suffer the same fate roughly 25 years from now. Nakakabalaha ito, Mr. President!
The billions of pesos that we spend for flood control should also go to projects aligned with the Supreme Court Mandamus ruling on Manila Bay, which ordered 13 government agencies to clean up, rehabilitate, and preserve Manila Bay and make it fit for swimming.
Dalangin ko rin po na magkaroon tayo ng clear-cut policy on reclamation projects.
Nakisabay pa po ang oil spill mula sa Motor Tanker Jason Bradley at MT Terranova sa Bataan na pinangangambahang umabot dito sa Maynila.
Hindi na po uubra ang band-aid solutions at relief operations na lang palagi kapag may bagyo. Wala pong Pilipino ang may gusto na lumikas sa kanilang mga tahanan at mamalagi sa mga evacuation centers. Wala pong may gusto na pumipila sila para makatanggap ng relief goods.
Hangga’t wala po tayong klarong solusyon o masterplan, mananatili itong “unli-baha”, pero hindi po “unli” ang resilience ng mga Pilipino, hindi po “unli” ang pondo ng bayan, hindi po “unli” ang buhay ng ating mga kababayan.
Dalangin ko po, sa susunod na mga bagyo – nasa letrang “C” (Carina) pa lang po tayo, ay hindi na “unli” ang baha at ang pasakit sa sambayanang Pilipino.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Panginoong Diyos.