PULILAN, Bulacan–Kasabay ng paghahain ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng Certificate of Candidacy (COC) para sa ikatlo at huli niyang termino kasama ang ang kanyang buong line up para sa May 2022 election sa ilalim ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP)-Laban nitong Oktubre 6 ang isang salu-salo at pasasalamat para sa kanyang kaarawan.
Tuloy tuloy ang pagiging mahusay at pulido sa paglilingkod ni Mayor Montejo sa Bayan ng Pulilan at priority niya ngayong huling tatlong taon niya bilang alkalde ang isang modernong design na palengke.
Aniya, ang kasalukuyang palengeke ng Pulilan ay nasa 30 years na mula ng ito ay magawa at talagang may kalumaan na at kailangan ng mapalitan.
Gayundin, lalo pa niyang palalawakin ang pagbibigay ng tulong at trabaho sa mga manggagawa at mamamayan ng Pulilan sa pamamagitan ng mga bagong bubuksang industriya sa kanilang bayan kung saan ang mga kababayan niya ang prioridad na mabigyan ng trabaho.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Ochoa na sa kabila ng pandemya ay dalawang beses naipagdiwang ang Carabao Festival sa pamamagitan ng virtual presentation. Ang programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lokal sa mga magsasaka na yamang mamamayan at sektor ng bayang Pulilan. Patuloy din pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan tulad ng binhi at iba pang suporta sa bukid.
Inamuki niya ang mga kababayan na patuloy na magpabakuna upang maging ligtas sa COVID-19.