Prioridad ng pamahalaang panlalawigan ang sigurihing may suportang pagkain sa mga binahang mga residente sa lalawigan dahil da bagyong Egay at hanging habagat na sinabayan pa ng back-flooding at high tide sa Bayan ng Caumpit kaya naghatid doon ng relief packs at ayuda si Gob. Daniel R. Fernando kasama sina Bulacan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) chief Rowena Joson-Tiongson, (kanan ng gobernador), Katrina Bernardo-Balingit, (kaliwa ng gobernador), hepe ng Provincial Public Affairs Office at si Bulacan provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) chief Manuel Lukban Jr., (naka-asul sa likurang bahagi ng gobernador) at iba pang empleyado ng Kapitolyo nitong Martes.
Nasa 8,343 ang apektadong pamilya mula sa mga Barangay ng Corazon, Sapang Bayan, Gatbuca, Frances, Calizon at San Marcos. Larawan mula sa Bulacan Provincial Public Affairs Office