Si Bb. Deserie Joy Gonzales Mendoza, 22, 4th year graduating Accountancy student ng National University (NU) sa Siyudad ng Baliwag, ang siyang itinanghal na reyna ng Gunita ng Lahi at Yamang Angat (GulayAngat) 2023 Festival kasama si Mayor Jowar Bautista at kanyang kabiyak Mrs. Leslie Bautista (magkatabi sa dulong kanan) at ang 2022 Hari at Reyna ng Angat sa coronation night kahapon, Oktubre 18 sa Angat Gymnasium.
Ang GulayAngat Festival na literal din na nagbibigay kahulugan sa yamang mga pananim na gulay ng Bayan ng Angat ay pangalawang beses ng isinasagawa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bautista. Sinimulan ito noong nakaraang taon, apat na buwan matapos siyang mahalal at maupong alkalde ng Bayan ng Angat sa kauna-unahang pagkakataon. Nagsilbi siya bilang dating pangalawang punong-bayan.
Ang GulayAngat Festival ay isa lamang sa maraming mga pinakatampok na mga programa sa pagdiriwang ngayong taon ng ika-340 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope