Ang lugar kung saan matatagpuan ang bagong bukas na SMAI Livelihood Center sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan.

Pinag-ibayo pa ng San Miguel Corporation pagbibigay ng kabuhayan at pagkakataong makapagnegosyo para humigit-kumulang 500 pamilya sa Bulakan matapos buksan ang isang livehood center at pormal na pagbuo sa consumers’ cooperative habang patuloy ang trabaho sa itatayong New Manila International Airport (NMIA).   

Sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) Livelihood Center, ang mga residente ng Bulakan na dating naninirahan sa project site ng NMIA ay mabibigyan ng training at agarang magagamit ang kanilang natutunang kasanayan para kumita para sa kanilang pamilya sa  livelihood center na matatagpuan sa Barangay San Nicolas, Bulakan. 

Ipinakita ng mga miyembro ang LIPAD cooperative ang produkto na gawa sa isda sa pagbubukas ng SMAI Livelihood Center sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan. 
Inaalagaan ng isang relocate ang mga kabute o mushroom sa isang growing house sa SMAI Livelihood Center sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan. 

“Our continuing efforts to engage residents and local officials in Bulakan has allowed us to fine-tune our existing livelihood restoration programs, as well as come up with new initiatives that will adapt to their needs,” wika ni SMC President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang. 

“With these, we can better ensure that the economic growth that the NMIA will bring in the coming years, will be inclusive and will be felt by Bulacan residents and the rest of the country,” dagdag pa niya. 

Makikita ang mga bagong sewing machines sa training center sa SMAI Livelihood Center. 

Ang SMAI Livelihood Center ay naitatag sa pakikipagtulungan ng SMAI, Bulacan provincial office ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry, at Gintong Aral Foundation. 

Ang pagbubukas ng SMAI Livelihood Center ay pinangunahan ni SMAI Project Lead Cecile Ang at Bulakan Mayor Vergel Meneses. Kasabay rin nito ang pagbuo sa Livelihood sa Pag-unlad (LIPAD) consumer cooperative.  

Inaalagaan ng isang relocate ang mga kabute o mushroom sa isang growing house sa SMAI Livelihood Center sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan. 
Kasama ni SMAI Project Lead Cecile Ang  ang mga tauhan ng Nazarene Compassionate Ministries (NCM) personnel na siyang nagsasagawa ng mushroom farming at processing project para sa mga taga Bulakan. 

Sa pamamagitan ng LIPAD consumer cooperative na bunga ng pagtutulungan ng SMAI at Gintong Aral ay bibigyan ng kasanayan at kaalaman ang mga miyembro nito sa pagpapatakbo ng kooperatiba upang sama-samang mapaunlad ng negosyo at kumita ito. 

Sa tulong ng Gintong Aral, ang mga residente ay magbubuo consumer cooperative na magpapatakbo ng mga negosyo, kasama dito ang coffee shop, a spa, patahian, at iba pang training areas para bigyan ng praktikal na kasanayan ang mga miyembro ng komunidad ay para magkatrabaho at magkaroon ng sariling negosyo.  

“We want to put our residents in a position to succeed through sustainable ventures that will ensure that they will be able to provide sustainably for their families. It is not enough that we provide skills and help them develop their entrepreneurial mindset. By pooling their resources together through a cooperative setup, each member claims a stake in their collective success,” wika ni Ang. 

Mainit na tinanggap ng mga residente natulungan ng housing program ng SMAI ang naturang livelihood center at kooperatiba. 

Kasama ang mushroom chicharon at mushroom soap sa mga produktong mula sa SMAI mushroom farming and processing project.

“Malaking tulong po itong livelihood center at ang mga training na sinalihan naming mga residente. Nagbibigay po ito ng bagong pag-asa para po sa amin dahil karamihan sa amin ay hindi nakapag-aral,” wika Alejandra Libao, 47, na siyang nahalal na pinuno ng kooperatiba. 

“Malaki pong pagsubok sa aming lahat itong pagpapatakbo ng kooperatiba. Nabanggit nga po namin sa aming mga trainer na alagaan namin itong kooperatiba para makasabay kami kapag tumatakbo na po ang paliparan dito sa amin,” aniya. 

Kasama ang mushroom chicharon at mushroom soap sa mga produktong mula sa SMAI mushroom farming and processing project.

Noong nakaraang buwan ay nakipagtulungan rin ang SMC sa Nazarene Compassionate Ministries (NCM) para sa mushroom farming and processing project na nakatulong sa 70 pamilya sa Bulakan. 

Sa ilalim ng programang ito ay may siguradong kita ng mga relocatees at 12 pamilya na ang nagpapalaki ng mushroom o kabute sa kanya-kanyang bahay. 

Pormal na binuksan ni SMAI Project Lead Cecile Ang at Bulakan Mayor Vergel Meneses ang SMAI Livelihood Center sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan. Kasama sa larawan si Porfirio Ting na may-ari ng pasilidad kung matatagpuan ang livelihood center at si TESDA Bulacan Provincial Director Gerty Pagaran. 

Ang mga beneficiaries ay umaani ng 40 kilo ng kabute kada lingo inaasahan pang tataas ang kanilang kita sa paggawa ng mga produkto tulad ng mushroom chicharon, burgers, at sisig.