San Miguel Corp Pampanga employees binakunahan na rin, 13 pang lugar ng empleyado outside Metro Manila kasunod na

Published

BULACAN, Philippines–Nasa 500 empleyado ng San Miguel Corporation sa Pampanga na kabilang sa A4 category o essential workers ang nabakunahan ngayong linggo sa ilalim ng “Ligtas Lahat”vaccination program ng kumpanya. 

Ang mga empleyado ay mga naka-base sa pasilidad at operasyon ng kumpanya sa Pampanga. Ginawa ang pagbabakuna sa pamamagitan ng tulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng City of San Fernando sa the GreenCity Medical Center sa San Fernando.

Bukod sa 500 na ito sa Pampanga, kabuuang 2,500 na A4 workers ng SMC outside Metro Manila ang nabakunahan mula July 2-8 mula sa kabuuang 7,189 na bilang ng lahat ng empleyado ng kumpanya na nabakunahan na. 

Nakiisa sa pagbabakuna sa Pampanga sina National Task Force Against Covid-19 deputy chief implementer Vince Dizon, Pampanga Governor Delta Pineda at City of San Fernando Mayor Edwin Santiago.

Pagkatapos ng Pampanga habang nauna na ring nabakunahan ang mga workers nito sa Laguna at Davao City, ang mga SMC employees naman na naka-base sa Bulacan at Cavite ang babakunahan at nakatakda itong isagawa sa isang linggo.

Ayon kay SMC President and COO Ramon Ang, dahil karamihan ng major facilities ng kumpanya sa beverage, packaging, power, fuels and infrastructure ay nasa labas ng National Capital Region, ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado sa mga lugar na ito ay sadyang napakahalaga upang siguraduhing ligtas ang work place nila. Nagpahayag din si Ang ng pasasalamat sa kanilang private and government partners dahil sa patuloy na pag-suporta ng mga ito sa kanilang programa lalo na sa vaccination ng kanilang mga empleyado. 

 “Hindi pa ganoon kalaki ang bilang ng mga nababakunahang ito sa aming kumpanya subalit kapag dumating na ang supply ng bakuna, makakapag-contribute tayo ng malaki sa ating national goals. Sa ngayon, binabakunahan namin ang aming mga empleyado as much as we can. This is the best way we can help make sure that our economic recovery will be more sustainable,” pahayag ni Ang. 

Early this year ay sinabi ng SMC na P1-Bilyon ang inilaan nitong pondo para sa pagbabakuna ng 70,000 direct and indirect employees nito sa buong bansa sa ilalim ng “Ligtas Lahat” program bilang lalong taya at tulong ng SMC sa nationwide vaccination program ng gobyerno upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya mula sa dagok at hagupit ng pandemya. 

Sa Sta. Rosa City, 600 Laguna-based employees ng SMC ang nabigyan na ng first dose na ginawa sa The Medical City South Luzon sa pakikipagtulungan ng Sta. Rosa local government unit sa pangunguna ni Mayor Arlene Arcillas.

Sa Davao City naman, sa pakikipagtulungan ng local government nito ay nabakunahan ang 1,369 San Miguel employees from various business units na ginawa sa Davao Doctors Hospital Main. 

 Noong June 3 to July 2, kabuuang 4,720 employees mula sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan sa tulong ng Pasig at Mandaluyong local government units sa mga vaccination sites na itinayo ng SMC sa Jose Rizal University (JRU) sa Mandaluyong, La Salle Green Hills at SMC Sports Complex at C-5 Road sa Pasig City.

Kasunod pang magbabakuna sa 13 vaccination sites in Laguna, Cavite, Batangas, Albay, Pampanga, Pangasinan, Isabela, Bataan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao at Cagayan de Oro.

Ayon kay Ang, kaugnay ng “Ligtas Lahat” vaccination ng SMC ay magha-hire sila ng 300 medical professionals. Nauna na silang nag-hire ng 100 medical doctors and nurses para sa kanilang  vaccination sites sa Mandaluyong, Malabon, Manila, Paranaque at Quezon City.

May kabuuan ng 180,000 vaccines ang naibakuna ng SMC vaccination sites and teams as of June 22, dagdag pa ni Ang. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Say Bye To Red Flags and Hello To Green Flags

TanTan Tribe Officially Launches To Provide An Inclusive and...

FREE Ugly Xmas Sweater Tonight: UNAWA’s Road to 12.12 TikTok Live at 11 PM!

Tune in to UNAWA's Road to 12.12 TikTok Live...

How Babylon Bitcoin Staking Works and 9 Important Things to Know

Discover Babylon Bitcoin Staking: a secure, decentralized way to...

Comprehensive Guide to Bitcoin Staking on Babylon via Bitrue APR Up To 2,3%

Unlock Bitcoin's potential with Babylon and Bitrue! Stake BTC...