Seminar ng PDP-Laban: Mayor Boy Cruz binastos ni Atty. Alcaraz

Published

GUIGUINTO, Bulacan, PHILIPPINES–Sumama ang loob at nag walk out si Guiguinto Mayor Ambrosio C. Cruz Jr. sa ginanap na seminar ng PDP-Laban Bulacan kahapon matapos na biglang dumating ang maugong na makakalaban niya sa pagka-congressman ng District 5 sa darating na May 2022 election na si Atty. Arnel Alcaraz. 

Hindi napigilan ng alkalde na lisanin ang programa ilang sandali matapos na dumating si Alcaraz sa loob ng sarili niyang balwarte at pag-aaring Agatha Hotel Function Hall kasama si Melvin Matibag, ang secretary general ng PDP-Laban. 

Nauna rito ay ipinaalam sa kanya umano ng PDP-Laban hierarchy sa Bulacan, Chairman, dating Energy Undersecretary at ngayo’y National Power Corporation President Donato Marcos at PDP-Laban Bulacan President Undersecretary Atty. Christian Natividad na siya ang opisyal na kandidato ng kanilang partido. 

Si Mayor Cruz ay miyembro ng National Unity Party (NUP) subalit lumipat sa PDP-Laban kasama ni Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado na isa ring NUP. Ang paglipat ay para buuin ang respective gubernatorial and vice gubernatorial tandem ni dating Gob. Alvarado at dating Third District Congressman Joselito “Jonjon” Mendoza at si Mayor Cruz naman nga ang kandidato sa pagka-congressman sa 5 disrito.

Kaya laking gulat ni Mayor Cruz at lahat ng iba pang matataas na opisyales ng Bulacan na miyembro ng PDP-Laban ng makita si Atty. Alcaraz kasama si PDP-Laban Sec. Gen. Matibag. 

Matapos ang ilang minuto ay bumalik si Mayor Cruz sa programa at nakinig sa speaker habang bakas sa kanyang mukha ang pagka-dismaya.

Sa panayam ng media, sinabi nito na tila nga siya ay nabastos nang dayuhin siya sa sarili niyang lugar ng kanyang makakalaban na nagpapakita yata umano ng lakas. Ganunpaman, aniya, igagalang niya ang anumang magiging desisyon ng partido, kung sino man sa kanila ni Atty. Alcaraz ang opisyal na kandidatong dadalin sa pagka-congressman ng district 5.

Aniya, secondary lamang sa kanya ang party at ang main concern niya ay ang winning chances niya, ang mga supporters at ang kampanya upang masiguradong manalo. Marami pa naman umanong partido na maaari siyang lipatan.

“I was informed na dito sa Bulacan ay ako ang dala ng PDP-Laban sa pagka-congressman sa ika-5 distrito but if it is otherwise, it is for the party to settle. Ako ay party member kaya nga ako umaattend ng seminar na ito ng partido. Pero hindi ko alam na merong darating na ganito. Knowing na ako ang kandidato, na ako ang host dito at ito ang lugar ko at pumunta pa siya rito, he is trying to send a message probably na sila iyong malakas, na sila iyong dala. Ganunpaman at the end of the day, wala tayong magagawa, whether ang national o ang Presidente ang magdesisyon at hindi tayo ang dalin, if that will be my faith, so be it,” pahayag niya.

Sinabi rin niyang saan man siya mapuntang partido ay ang magiging ulo o gobernador ng partidong iyon ang kanyang susuportahan. 

Dagdag pa ng alkalde na siya ring pangulo ng League of Bulacan Mayors na ang pagdating umano ng grupo ni Atty. Alcaraz ay parang isang outright na pambabastos subalit hindi na para bumaba pa siya sa level nito na ang isang pambabastos ay gagantihan pa ng isa pang pambabastos.

“Pero oo, nag-appear kami (fist bump), kakilala ko naman siya, ang aking asawa at ang kanyang ina ay magkaibigan, nagkasama pa sila kamakailan lang sa Holy Land and he calls me Tito. Pero kung ang Tito mo ay babastusin mo ay nasa sa kanya na iyon. Kung tayo man ay binastos eh kaya ko bang pigilan iyon,” dagdag niya. 

Inanunsiyo naman ni Matibag na sa Setyembre 8 ay magkakaroon ng convention ng PDP-Laban sa Bulacan na gagawin sa City of San Jose del Monte at doon ipapahayag ang lahat ng opisyal na kandidato ng partido sa lalawigan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...