LUNGSOD NG MALOLOS–Bumaba agad ang ayuda packs para sa mga residenteng higit na nangangailangan ngayong Lunes na unang araw pa lang ng August 16-31 Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lalawigan ng Bulacan.
Nagkaloob si Senator Joel Villanueva ng 2,600 boxes of milk, choco drinks and three-in-one coffee sa Lungsod ng Malolos, Lungsod ng San Jose del Monte at Lungsod ng Meycauayan at mga Bayan ng Baliwag, Pulilan, Guiguinto, Bocaue at Balagtas mula sa nakuha niyang donasyon ng isang pribadong food company.
Sa pamamagitan ng nasabing ayuda packs, ang mga kababayan nating apektado ng dalawang linggong MECQ at maaaring mawalan o mabawasan ng pagakakakitaan ay mayroon ng dagdag na pagkain para sa kanilang pamilya.
Bukod sa pagkakakilala kay Villanueva bilang (Technical Education Skills Development Authority) o TESDA Man noong nakaraang mga taon, higit na nakilala ang Bulakenyong senador ngayong panahon ng pandemya dahil sa naisabatas niyang ‘Doctor Para sa Bayan” law at ang marami ng natulungang kumita at magkatrabahong mga displaced workers sa ilalim ng Tulong Panghanapbubay sa Ating Disadvantageous/Displaced (TUPAD) Workers program na isang emergency employment ng gobyerno para sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19 pandemic.
Mula P6-Bilyon TUPAD budget noong isang taon ay higit na marami na ang nakinabang sa nasabing programa ngayong 2021 dahil naitaas ng senador sa P19-Bilyon ang pondo para dito.