SENATOR RONALD “BATO” DELA ROSA COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS Senate Resolution Nos. 767 and 913  Disappearance of Beauty Queen Catherine Camilon

Published

SERVICE, HONOR, and JUSTICE. These are the three words that can be  found in the Philippine National Police’s Seal and Badge. Nakatahi sa uniporme at  nakaukit sa lahat ng tsapa. Tatlong salita na sumasalamin sa sinumpaang  tungkulin ng isang pulis. Ito ang nagsisilbing paalala sa kapulisan na ang bawat  isa sa kanila ay may pananagutan sa bayan. 

Nakalulungkot na sa tuwing may ilang mga pulis na nakalilimot ng tatlong  salita na aking nabanggit, ang imahe ng buong institusyon ang nababahiran.  

Noong araw po, kapag may mga batang nawala sa isang pasyalan, agad  silang maghahanap ng pulis dahil ito ang bilin ng kanilang mga magulang. Sa  paglipas po ng panahon, ang pulis na pinagkakatiwalaan ng ating mga magulang  ay naging panakot na sa makukulit na mga bata. Makailang beses na po nating  narinig ang mga katagang: “Sige ka, kukunin ka ng pulis!”?  

Masakit po sa damdamin. Lalo na po sa katulad kong nagsilbi bilang isang  alagad ng batas sa mahigit na tatlong dekada. Sa ating mga kasamahan sa PNP,  hindi po ba tayo nahihiya na ganito na ang pagtingin sa atin ng ating mga  pinaglilingkuran? Gusto ba nating paniwalaan ng karamihan ang kasabihan na “the  only good cop is a dead cop”? Hindi tayo papayag niyan.  

I have always been supportive of the PNP, the institution that I was once  given the honor and privilege to lead. However, I will never turn a blind eye to their  alleged misdemeanors. My dreams and aspirations to fully reform our PNP have  never wavered. Perhaps it is true that “one rotten apple spoils the barrel”. But more  than weeding out the single person that corrupts the rest of his peers, it is saving  our honest and principled police officers that motivates me. 

Today, we are here once again to investigate alleged abuses and lapses in  judgment by our police. We intend to look for accountability but at the same time,  in looking, we hope to find some silver lining in all of these sad and unfortunate  incidents.  

We might not be able to find some magic bullet or some divine formula to  address all issues surrounding our police officers today. However, it is our hope  that we will be effective in reminding our police that their lives are no longer wholly  theirs. By virtue of their sworn duty, they have also dedicated their lives to service,  honor, and justice for the country.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Global Women Who RULE 2025 – Nominations is Open

Global Women Who RULE (GWWR) through the years.In...

Chameleon Collection: Unisol’s Sustainable Innovation 2025 using Philippine Tropical Fabric

Chameleon Collection: Unisol's Sustainable Innovation 2025 using Philippine...

Top 15 Motivational Speakers

Motivational speakers (who can inspire) uplift and ignite...