Iginawad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kay Punong Bayan ng Plaridel Jocell Aimee R. Vistan ang kopya ng Kapasyahan Blg. 020-T’2023 sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat nitong Lunes sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan bilang pagkilala sa pagkakapanalo nito ng Seal of Good Local Governance sa ikaanim na beses na ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government noong Enero 12.
Nasa larawan din sina (dulong kaliwa) Bokal Lee Edward Nicolas; (sa likod, ikalawang hanay, mula kaliwa) mga Bokal William Villarica, Romina Fermin, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, mga Bokal Romina Fermin, Richard Roque, Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin, (gitnang hanay, mula kaliwa) mga Bokal Romeo Castro Jr., Allen Dale Baluyut, Robert John Myron Nicolas, Arthur Legaspi (likod na hanay, mula kaliwa) Liberato Sembrano, Ramil Capistrano, Raul Mariano, Allan Andan at Cezar Mendoza.