Ni: Mochie Lane M. Dela Cruz
LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE – Nasa 100 traffic enforces ang tumanggap ng mga kapote at pagkain sa ilalim ng proyekto ng SM Supermalls na “100 Days of Caring and Giving” tungo sa Pasko.
Ang Inisyatibang hakbang na ito mula sa SM City San Jose del Monte ay bahagi lamang ng adbokasiya ng SM Supermalls na ibalik ang higit sa 10,000 target na beneficiaries tulad ng mga frontline workers, delivery rider, mga displaced tricycle at jeepney drivers, magsasaka, mangingisda, at maging ang mga katutubo .
Sa kanyang maikling mensahe habang namamahagi ng regalo, nagpasalamat si Assistant Mall Manager Maria Angeli Luna sa lahat ng mga traffic enforcer, partikular ang mga nakatalaga sa Quirino Highway kung saan matatagpuan ang SM City San Jose del Monte. “We thank you for always helping us and our customers,” sambit nito. “We hope these raincoats can somehow help you especially during rainy days,” dagdag pa niya.
Bago ang SM City San Jose del Monte, iba pang mga SM malls sa Quirino Highway – SM City Fairview at SM City Novaliches, at iba pang SM Malls sa Bulacan – namahagi rin ang SM City Marilao, SM City Baliwag, at SM Center Pulilan ng mga care package at pares ng sapatos sa iba’t ibang mga pangkat ng pampublikong transportasyon at mga delivery riders.