Sold to the last drop ang mga paputok sa Bocaue

Published

BOCAUE, Bulacan–Ubusan at sold to the last drop ang halos lahat ng uri ng mga panindang paputok sa mahigit 100 tindahan ng paputok sa bayang ito na tinaguriang fireworks capital of the country sa last 2 minute na bentahan dalawang araw bago ang salubong sa bagong taon.

Hindi mahulugan ng karayom ang mga mamimili sa mga tindahan ng nag-ikot ang NEWS CORE team simula pa kahapon.

Naging mabilis ang pagkaubos ng mga panindang paputok kahit pa nagmahal ang mga ito ng mahigit doble dahil na rin sa kakapusan sa supply.

Ayon kay Krissy Enriquez ng UniStar Fireworks sa Turo, Martes pa lang, Disyembre 28 ay paubos na ang kanilang mga panindang aerial na gawa ng Dragon Fireworks. Kaunti lang umano ang nai-supply ng Dragon sa kanila at ang mga ito ay pawang mga stocks pa noong isang taon. Wala umanong naging masyadong gawa nitong taong ito dahil sa patuloy na pandemic.

Nauna rito, sinabi ni Joven Ong, may-ari ng Dragon Fireworks at pangulo ng Fireworks Association of the Philippines na dahil sa pandemya at aberya sa isang manufacturing company sa ibang bansa ay kinapos ang potassium perchlorate chemical na sinusupply nito sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas para sa pag gawa ng mga pailaw o pyrotechnic maging mga uri ng paputok o firecracker.

Dagdag ni Enriquez, naging sadyang mabili ang mga paputok ngayong taon sa kabila pa rin ng umiiral na pandemic dahil naging maluwag na sa quarantine restriction at nasa Alert Level 2 ang Metro Manila kabilang ang Bulacan at maraming probinsiya sa Luzon.

Gayundin umano ang walang negative na anunsiyo o pagbabawal ang Malacanang kumpara noong mga nakakaraang taon na may mga pag-kontra at pagsawata sa industriya. Tila aniya sabik na sabik ang mga tao na muling magpaputok at sumalubong sa bagong taon ng may bagong pag-asa kaya’t nangaubos agad ang kanilang paninda.

Sa inspection ni BGen. Valeriano De Leon, Philippine National Police Director for Operations sa tindahan ng paputok sa Dinglasan Pyrozone compound nitong Miyerkules, sinabi nitong naka focus ang pulisya ngayon sa mga illegal, over sized and over weight na mga uri ng paputok na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 7183, the laws on manufacture, sale and distribution of fireworks at ang EO 28 ni Pangulong Duterte na nag-reregulate sa pag gamit nito.

Sa ngayon umano ay halos 3-4 lang ang firecracker-related violation na naitala ng pulisya sa buong bansa. Ganunpaman, ani De Leon, ito ay hindi na dapat madagdagan pa.

Kabilang sa mga illegal pang paputok ang Super Lolo, Pla-pla, piccolo, Giant Whistle, Atomic Triangle, Large Bawang, Pop-Pop, Bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke-in-Can, Kabasi, Watusi.

Ayon kay Michael Dinglasan, isang stall owner sa Turo, mahigit sa 50% ang itinaas ng presyo ng mga paputok.

Ang sawa na 1,000 rounds dati ay P500 lang subalit ngayon ay P1,200-P1,500.

Ang sky rocket o kuwitis na dati ay P5.00 each or P500, P700 and P800 per bundle, ngayon ay P12.00 – P15,00 each or P1,200 – P1,500 per bundle of 100.

Isang lalaki mula sa Baguio City na dumayo sa Dinglasan Compound ang nagulat sa mataas na presyo ng kuwitis. Ikinagulat niyang nasa P1,200-P1,500 na ito.

Idinaing naman ni Lea Alapide, presidente ng Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) ang ilang mali at nakakapinsala sa industriya na gawa ng ilang LGU sa Metro Manila na pagsama sa five star at kuwitis sa illegal products gayong hindi ito illegal o ipinagbabawal.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...