Statement of Senate Majority Leader Joel Villanueva on the installation of floating barriers in the Scarborough Shoal

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

NO DRAMA, JUST STRAIGHT FACTS!

Hindi po ito gawa-gawa ng kathang isip, kitang kita na po sa mga litrato at video ang tahasang pambabastos at kawalan ng respeto ng China sa karapatang soberenya ng Pilipinas. Kaibigan pa ba na matatawag ang isang bully na patuloy na sinasamantala ang relasyon ng dalawang bansa? 

Patuloy pa rin po ang panghihimasok ng Chinese Coast Guard sa ating exclusive economic zone at ang pinakahuli nga po ay itong paglalagay ng floating barriers sa southeast portion ng Scarborough Shoal. Malaki po ang dagok na dulot nito sa kabuhayan ng ating mga mangingisda na umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan. 

Ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay matatagpuan 124 nautical miles sa kanluran ng Zambales kaya malinaw na nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kaisa po tayo ng Presidente Bongbong Marcos sa paniniwalang prayoridad ang agarang pagpasa ng Philippine Maritime Zones Act na naglalayong magdeklara ng mga maritime zones na nasa pamamahala ng Pilipinas kabilang ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, EEZ at continental shelf. Kasama rin po ang panukalang ito sa tinalakay na kabilang sa LEDAC priority measures na target maipasa ngayong taon.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

SM City Marilao Job Fair Opens Doors to Over 1,700 Opportunities

MARILAO, BULACAN — Days after Independence Day, the pursuit...

Ahmedabad Air Disaster: 241 Lives Lost, One Survivor’s Miracle

By: Genalyn Evangelista Ahmedabad, India – In a harrowing turn...