Suspect sa pagpatay sa 15 anyos na “girl teen biker’, wanted na ng pulisya

Published

BUSTOS, Bulacan–Tinatayang case closed na dahil kilala na at pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang 45 years old na isang tambay na suspect sa pagpatay sa isang 15 anyos na girl teen biker na natagpuan ang bangkay sa isang damuhan sa gilid ng Plaridel Bypass ng bayang ito noong Aug. 12.

Ayon kay Bulacan Police Director Col. Charlie Cabradilla, sinampahan na kahapon, Miyerkules ni Bustos police chief Col. Leopoldo Estorque Jr. si Gaspar Maneja, 45, ng Camella Homes subd., Barangay Sto. Cristo subd., City of San Jose del Monte ng 2 counts of charges of violations to RA 7610, Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti Child Abuse Law) na may kaukulang P180,000 at P200,000 halaga ng bail kabilang ang kasong rape with no bail recommended.

Dahil sa kaso, naglabas si City of San Jose del Monte Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng three warrants of arrest laban kay Maneja.

Nagsampa rin si Estorque ng  hiwalay at ibang mga kaso ng rape with homicide at pag-gamit ng fictitious name and concealing true name laban kay Maneja sa Bulacan Prosecutors Office sa City of Malolos kaugnay pa rin sa nasabing krimen.

Ayon kay Estorque, si Maneja ay gumamit ng ibang pangalan at nagpakilalang si “Jose Francisco Santos”. Ito umano ang siyang nakitang huling kasama ng biktima sa Neopolitan Business Park sa Lagro, Quezon City matapos na ito ay umalis sa kanilang bahay sa Towerville, Barangay Graceville, City of San Jose del Monte noong umaga ng Aug. 10. 

Ang katawan ng biktima ay natagpuan sa ilang at madamog lugar sa Barangay Bonga Menor sa Plaridel Bypass bandang alas 9:00 ng umaga noong Aug. 12. May mga marka ng bugbog o palo sa ulo nito at nakadamit ito ng puting t-shirt at kulay itim na cycling short.

Ayon kay Estorque, base sa autopsy report, ang biktima ay namatay dahil sa “subdural hemorrhage due to blunt traumatic injuries to the head” o dahil sa matindi o mabigat na bagay na ipinalo sa ulo nito.

Ayon pa kay Estorque, ang biktima na isang kilalang biker o bike enthusiast ay madalas na nagpupunta kasama ang iba pang kapwa bikers doon sa Neopolitan Business Park. Nang araw na umalis ito sa kanilang bahay at hindi na umuwi, nagpaalam itong pupunta sa nasabing lugar. 

May mga witnesses na hawak ang pulisya na nagsabing nakita nilang kasama ng pinaslang na dalagita ang nasabing suspect. 

Ayon kay Estorque, hinihinala nilang involve sa illegal na gawain si Maneja sapagkat ito ay walang trabaho at isa lamang tambay subalit nakaya nitong saluhin at hulugan ang Toyota Wigo registered as EAE-2913 ng kapatid nito. 

Pinasalamatan ni Bulacan police director Col. Charlie Cabradilla si Bustos Mayor Francis “Skul” Juan  Bustos town sa pagtulong at pagsuporta sa kanyang mga pulis sa dagdag na mga gastusin pag biyahe araw-araw sa loob ng halos isang linggo para imbestigahan at resolbahin ang kaso. 

Sa loob ng anim na araw, ayon kay Estorque ay tinutukan niya at ng kanyang mga imbestigador na lutasin ang krimen at tunguhin mula Bustos ang Lungsod ng San Jose del Monte at Lagro, Quezon City. 

Ang Bustos ay nasa 30-40 km distance sa City of San Jose del Monte at Quezon City. 

Nakaabot ang sinasabing case closed o maagap na pag-identify ng suspect sa 48-hour deadline na ibinigay ni Gob. Daniel Fernando sa pulisya noong Lunes.

Sa ginanap na selebrasyon ng ika-444 anibersaryo ng Bulacan, ipinag-utos ng gobernador kay Cabradilla na gawin ang lahat ng kailangang gawin upang matukoy ang suspect at maaresto ito sa loob lamang ng 2 araw.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...