TAGUIG CITY | 08 JANUARY 2024 | STATEMENT

Published

𝐌𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐄𝐌𝐁𝐎 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚:

Naglabas ng anunsyo ang University of Makati (UMak) na hindi na itinuturing residente ng Makati ang mga estudiante ng EMBO. Samakatuwid, magbabayad na sila ng P3,000.00 tuition fee bawat semestre bukod pa sa miscellaneous fees. Subalit namagitan di umano si Mayor Abby Binay at ipinagpaliban ang planong ito para sa susunod na school year.

Nais ipaabot ng Lungsod Taguig sa mga residente ng EMBO na wala silang dapat ikabahala sa magiging epekto ng hakbang na ito ng Makati. Bago pa man ang anunsyo ng Makati, gumawa na ng mga hakbang ang Taguig hindi lamang upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga residente ng EMBO kundi maiangat ang kanilang mga benepisyo.

Naniniwala ang pamunuan ng Lungsod Taguig na ang lahat ng tao ay nilikha na kawangis ng Maykapal, at may kakayahang hubugin ang kanilang sarili para sa ikabubuti nila at ng kanilang lipunan. Kapag suportado ng pamahalaan ang mamamayan, magpupursigi sila na mapaghusay ang kanilang buhay.

Pangunahin dito ang oportunidad sa edukasyon. Bilang mamamayan ng Taguig, ang mga residente ng EMBO ay may karapatan sa pantay-pantay na access sa de-kalidad na edukasyon sa iba’t ibang larangan.

Sa ating Lungsod, hindi limitado ang scholarship sa Top 10% ng senior high school graduates. Naniniwala ang ating mga pinuno na may iba’t ibang husay at galing ang bawat indibidwal. Lahat ng high school graduates, kabilang ang mga nasa kolehiyo na, ay may oportunidad na makapag-aral nang hindi hadlang ang mga gastusin. Maging ang mga nagrerebyu para sa board at bar exams, kumukuha ng masteral at doctoral degrees, at nag-aaral ng abogasya o medisina ay may scholarships din. 

Bilang Taguig college scholars, makatatanggap kayo ng P15,000.00 hanggang P50,000. 00 kada taon na maaari ninyong ibayad sa eskwelahang pinili ninyo.  

Kung sakaling kayo ay may nakukuha ng scholarship sa ibang ahensya o institusyon, ibibigay pa rin ng Taguig ang scholarship benefits na angkop sa iyo.

Ang mahigit 83,000 na kasalukuyang Taguig scholars ay nag-aaral sa mahigit 200 unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila at Luzon kasama na ang UP, Ateneo, La Salle, at UST.

Sa unang semestre ng academic year 2023-2024, mahigit 5,000 estudiante ng EMBO ang  nag-avail na ng scholarship ng Taguig.

Bisitahin ang taguig.gov.ph upang malaman lahat ng impormasyon ukol sa scholarship program, at sundan ang mga anunsyo sa Taguig Scholarships at I Love Taguig Facebook accounts tungkol sa schedule ng online application at submission ng mga requirements. 

Maaari ring tumawag sa 282888560 o bumisita sa Taguig Scholarship Office, 2F, SRRCMSTHS (Cayetano Science High School), BCDA Compound, Brgy. Ususan, Taguig.

Sa pamamagitan ng Taguig scholarship program, nakapagtapos ang libu-libong estudiante; 1,815 ang nagtapos ng may karangalan. Sa mga kumuha ng board o bar examinations, 3,506 na ang pumasa; 45 sa kanila ay kasama sa Top 10 o Topnotcher sa buong bansa. 

Naging inhenyero, guro, nurses, accountants, arkitekto, psychometricians, criminologists, abogado, doktor, at iba pang propesyonal ang ating mga scholars.

Malinaw ang positibong epekto ng ating scholarship program hindi lamang sa indibidwal na buhay ng mga estudiante kundi sa lipunan. Hindi lamang gumaganda ang buhay ng pamilya ng mga estudiante; umuunlad din ang ating lipunan.    

Patuloy ang Taguig sa pagbalangkas ng mga programa at proyektong tutupad sa adhikain nitong Transformative, Lively and Caring Probinsyudad. Nagbigay na ng tagubilin si Mayor Lani Cayetano sa City Scholarship Office na subaybayan at gabayan ang mga estudyante ng EMBO na gustong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa UMak. 

Ang lupang kinatitirikan ng UMak ay iginawad ng Estado para sa layuning pang-edukasyon ng mga residente ng EMBO. Ito rin ang layunin sa pagtatayo ng mga pasilidad at pagbiĺi ng mga kagamitang pang-edukasyon.

Ang UMak ay sakop ng teritoryo ng Taguig. Bagaman ang kapakanan ng mga estudiante ang pangunahing pinagkakaabalahan ng Taguig, nirereserba ng Taguig ang anoman at lahat ng karapatan nito sa pagmamay-ari ng UMak bilang pagpapahalaga sa kapakanan ng mga residente ng EMBO at ng buong Taguig.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Tacloban’s sweet and special binagol

TACLOBAN CITY—Sixty five year old Viginia Aguilar Orollo on...

Center for Agriculture and and Development (CARD) MRI Center Meeting in Tacloban City

TACLOBAN CITY—CARD MRI officers, members and clients conduct their...

Thai consumers seek new flavors of salty snacks

Companies need to get ready to elevate the snacking...