Taliptip, Perez road rehab tapos ngayong June

Published

BULAKAN, Bulacan—Sunod sa schedule na matatapos ngayong buwan ng Hunyo ang rehabilitasyon ng halos 600 metro ng kalsada sa Barangay Taliptip at Perez sa kabila ng mga pag-ulan at high tide na nagpabagal sa konstruksiyon. 

Ang kasalukuyang ginagawang rehabilitasyon ng old Bulacan provincial road sa bahagi ng Taliptip sa Bulakan. Nakatakdang matapos ang konstruksiyon sa Hunyo 25. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering District chief Henry Alcantara, natapos ng sunod sa original na schedule ng completion nito ang 173 metro na pagawain sa provincial road sa bahagi ng Barangay Perez noong Sabado, Hunyo 15. 

Gayundin, tatapusin naman ang 432 metrong kalsadang pagawain sa Barangay Taliptip sa Hunyo 25, sa orihinal na schedule ng tapos nito at walang magiging dulot na delay sa mga motorista at residente. 

Nag-double time, over night at 24/7 aniya ang mga gumagawa ng nasabing mga kalsada na binantayan din ng mga inhibyero sa ilalim ng kanyang tanggapan upang masiguradong as scheduled ay matapos ang pag-gawa ng mga ito. 

Ani Alcantara, dahil sa madalas na pag-ulan kabilang ang high tide sa lugar, nahihinto ang konstruksiyon sapagakat hinahayaan munang umaraw muli at matuyo ang kalsadang ginagawa para maipagpatuloy ang konstrukisyon. Gayundin, limitado lamang ang oras ng pag-gawa kapag may high tide. Kaya naman, aniya, hindi sila nagpabaya at double time efforts ang kanilang ginawang aksiyon at lunas. 

Ang halos P13.5 milyon halaga ng dalawang proyekto na sinimulan noong Marso 1 ay sa ilalim ng pondo ni First District Rep. Danilo Domingo kung kaya’t ang DPWH ang nanguna sa konstruksiyon. 

Kasama sa rahabilitasyon ng kalsada ang konstruksiyon ng retaining walls, drainage at upgrading o pagtaas ng level ng kalsada sa 10 pulgada. 

Dahil sa mga pagbaha, dala ng ulan at high tide ay hindi na naibsan sa tubig baha ang nasabing mga kalsada kung kaya’t inilapit ng mga opisyales ng nasabing mga barangay ang proyekto sa provincial government. Hiniling naman ng provincial government sa tanggapan ni Rep. Domingo na pondohan nito ang nasabing proyekto. 

Noong Disyembre 14 noong isang taon, pormal na ipinaalam ni Alcantara sa local government unit (LGU) ng bayang ito ang nasabing proyekto sa pamamagitan 

 ng isang sulat na nag-iimbita rin sa tanggapan ng punong-bayan na dumalo sa bidding na isasagawa para sa proyekto. 

Ang nasabing kalsada ay bahagi ng old provincial road ng Bulacan patungong Bayan ng Obando, Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (Camanava area). Ito rin ay patungo sa ginagawang New Manila International Airport sa Taliptip. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...