Ni Mark Eleogo
CALUMPIT, Bulacan–Sa pangunguna ni Cholo Pangan, chairman ng Tau Gamma Phi “Triskelion” Calumpit, mahigit 200 pamilya ang nahandugan ng iba’t ibang gulay gaya ng upo, sayote, sitaw, kalabasa at marami pang iba sa ginanap na community pantry nitong weekend.
Meron ding bigas, noodles at ilang mga de lata sa kanilang ginawang community pantry sa Barangay San Jose.
Maraming mga pamilya ang pumila sa nasabing community pantry at naging mabilis ang bigayan ng nasabing ayuda sa panahong umiiral pa rin ang pandemya dulot ng Covid 19.
Malaking bagay ang mga ganitong proyekto lalo na maraming mga pamilya ang nawalan ng hanapbuhay at kapos sa pang araw-araw na kabuhayaan kaya naman ayun kay Rufino Dela Cruz, nagpapasalamat siya sa samahang Tau Gamma Culumpit Chapter dahil sa ginawa nitong community pantry sa kanilang lugar.