Bumisita si Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) offices ngayong Lunes para magrenew ng kanyang barista National Certificate, kasabay ng Araw ng mga Puso.
Sinabi ng Chair ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development na isang paraan ito para mag-”walk the talk” and bigyang-diin ang kahalagahan ng technical-vocational education sa bansa.
Noong siya ay TESDA Director General, si Villanueva mismo ang naglabas ng direktiba na magkaroon ng renewal ng mga NC kada limang taon para masigurong up-to-date ang training at upskilling.
“Mahalaga ang tech-voc upskilling sa National Employment Recovery Strategy (NERS), na kailangan nating i-institutionalize at palawigin sa pamamagitan ng tech-cov,” sabi ng senador.
Ayon kay Villanueva, kinakatawan ng TESDA National Certification ang kanyang platapormang oportunidad at seguridad sa trabaho.
“Ang mga National Certification ay lumilikha ng oportunidad sa trabaho at nagsisigurado ng hanapbuhay para sa ating mga kababayan. Pangako ng tech-voc education ang kasiguruhan ng trabaho o employability, at kailangan nating masigurado na hindi mapako ang pangakong ito,” sabi niya.
Sinabi ring ng senador na ang kanyang certificate renewal ay bahagi ng patuloy niyang pagsisikap na burahin ang social stigma sa mga kurson tech-voc.
“De-kalidad ang tech-voc education ng TESDA, at laser-focused ito para ka magkatrabaho. Isa itong paraan para paglapitin ang job-skills mismatch, at kayang sumunod sa pangangailangan ng job market,” sabi niy.
Binanggit ni Villanueva na nakakasunod sa ihip panahon ang tech-voc education sa bansa sa tulong ng mga inisyatibo sa TESDA na gaya ng TESDA Online Program (TOP) and the “TESDA Abot Lahat ang OFWs”. Naghahain ng online na mga kursong tech-voc ang TOP, samantalang upskilling naman para sa mga balik-bayang OFW ang isa pang programa. Naging matagumpay ang dalawang programang ito sa panahon ng pandemya.
Bahagi ng pambansang polisiya sa technical and vocational education and training (TVET) ang TESDA National Certifications, ngunit nakikita ni Villanueva na kailangan nang magpokus sa higher technology qualifications (NC IV and NC V) at work-based training (apprenticeship / enterprise-based training) sa mga susunod na taon.
Passionate tayo sa pagtaas ng lebel ng tech-voc education and TESDA National Certifications sa pambansang polisiya, at itutuloy natin ang adhikaing ito para sa ating pangalawang termino sa Senado,” sabi ng reeleksyonistang senador.
Pawang homecoming ito kay Villanueva, na nabansagang TESDAMAN dahil sa kanyang pagiging kampeon ng tech-voc at skills certification bilang director general mula 2010 hanggang 2015.
Dinepensahan ni Villanueva ang 2022 budget ng TESDA sa Senado, at nagbunga ito ng dagdag na alokasyon para sa mga scholarship. Kasama dito ang Php1.5 billion para sa Tulong Trabaho Scholarship Program, na nagbibigay ng tech-voc education at training, at pinagtitibay ang kwalipikasyon ng manggagawang Pilipino sa nagbabagong istruktura ng trabaho.