TESDAMAN, sinamahan ang mga anak na magpabakuna laban sa COVID-19

Published

Panandaliang tumigil sa kampanya si reelectionist Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva para samahan ang kanyang mga anak na tumanggap ng unang dose ng COVID-19. 

Dinala ni Villanueva ang kanyang mga anak na si Gwyn (9) at Jaden (11) sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City para mabakunahan sila ng mga health worker ng siyudad. 

Sinabi ng senador na importanteng hakbang na mabukanahan ang mga bata mula lima pataas para bumalik ang mga paaralan ng bansa sa face-to-face classes.

“Kailangan nating bakunahan ang ating mga anak laban sa COVID-19 para sa makita na nila ulit nang personal ang kanilang mga kaeskwela at guro, pati na rin makasama sa mga social activity gaya ng sports,” sabi ni Villanueva. 

“Bilang magulang, hindi natin dapat ipinapagkait sa ating mga anak ang mga karanasang ito. Kaya nag-break muna tayo sa ating kampanya para personal kong maibigay ang the best para sa aking mga anak,” aniya. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

VRITIMES and KakaComputer Forge Partnership to Amplify Tech News and Industry Insights

March 15, 2025 – VRITIMES, an innovative press...

Scientists solve decades-long Parkinson’s mystery

WEHI researchers have made a huge leap forward...

A Detailed Guide to Employment Contracts in Indonesia

This comprehensive guide provides essential information about employment...