Billy F Nuqui

Camp Macabulos-Tarlac City Muling pinatunayan ang husay at galing ng mga kapulisan sa lalawigan ng Tarlac ang kanilang dedikasyon sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang alagad ng batas at tagapagtaguyod ng seguridad at kapayapaan sa ating komunidad.
Simula ng pamunuan ni PCOL MIGUEL M GUZMAN ang Tarlac Police Provincial Office bilang kanilang Provincial Director noong buwan Enero 2024 ay naging sunod sunod ang kanilang pagkamit bilang nangunguna sa Unit Performance Evaluation Rating “UPER” Regionwide dahil sa patuloy na ginagawang pagpapaigting ng seguridad sa lalawigan partikular na sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad, illegal drugs, illegal firearms, carnaping, illegal gumbling at pagpapatupad ng mahigpit sa mga anti criminality checkpoints sa buong lalawigan.
Maraming programang nais pang isulong si PCOL MIGUEL GUZMAN sa kanyang mga kapulisan na kanilang ipinapatupad gaya ng mga pag aaral ng iba’t ibang kaalaman sa pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng magandang relasyon sa komunidad, pagtulong sa mga nasasakupan tuwing may mga kalamidad, at pagpapataas spiritual na moral at paggalang sa karapatang pantao at marami pang iba.
Maraming mga Tarlakenyo ang pumuri sa husay at galing ni PCOL GUZMAN simula ng pamunuan nito ang Tarlac PPO noong Enero hanggang sa kasalukuyan. maging mga mamumuhunan na mga negosyante sa lalawigan ng Tarlac ay malaki ang kanilang tiwala dahil sa kanilang nararamdaman at nakikita ang presensya ng kapulisan sa buong lalawigan.
Lubos naman ang pasasalamat ni PCOL MIGUEL M GUZMAN sa mga mamamayang Tarlaqueño sa kanilang kooperasyon at suporta sa mga kapulisan na kaagapay sa mabilis at epektibong paraan upang masugpo ang mga nagtatago sa batas na may kinakaharap na mga kaso at managot sa salang kanilang ginawa.
Sinisiguro din nito na ang buong lalawigan ng Tarlac ay mananatiling mapayapa sa abot ng kanilang makakaya at sa tulong narin ng mga mamamayan upang malabanan ang anumang krimen para manatiling ligtas ang mga Tarlaqueño.