Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Joel Villanueva (Part 1)

Published

Senator Joel Villanueva

Senator Joel Villanueva (SJV): Magandang umaga po sa inyo lahat. Laging joy ang makasama po kayo despite what is happening around us. Laging may positive vibe ‘pag nakakasama ko po kayo kasi kayo yung nagre-report at nag-co-convey ng aming mga inihayag at saloobin para mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan. So maraming salamat for this opportunity once again.

Q:  Dito muna sa mga issues sa POGO. Nag-file ho kayo ng proposed Anti-POGO Act. Why, sir? Yung bang order ni Presidente to ban POGO is not enough? Ano yung mga concerns ninyo? Bakit nag-file ba kayo ng bill na ito?

SJV:  Una po, yun ay tugon sa nais ng ating Pangulo…Ulitino ko po, una, ito po ay response natin sa nais ng Pangulo na i-total ban ang Pogo. Ikalawa, ang Pogo ban should go beyond the present administration. Gusto natin mawala totally ang bakas ng Pogo sa ating lipunan dahil gusto natin ipakita sa buong mundo na natuto na po tayo. And again, if you look at the costs, far outweighs the benefits of having Pogo in our country, a whopping P99.52 billion. Net po ito ha. Net po. Ibig sabihin, ang nawawala po sa atin ay P265.74 billion. Ito po yung sinasabi ng mga economic managers. Ang binabayad lang po nila o ang nakukuha natin, total ay P166 billion. So, ang net dito, we are losing annually P99.52 billion. So, ito yung nais po natin, matuldukan na ng gusto ito at mabigyan ng kaparusahan yung gagawa ng kalokohan dahil meron pong nagsabi sa atin nun na pagka pinagbawal yan, lalong mag-underground. Pero the more that we will be able to track and easily make sure that our police force, the authorities are very much aware of the fact na ito ay iligal at ito ay ban na. 

Other than the fact that we are responding to the call of the President to ban Pogo, we wanted to make sure that Pogo ban should go beyond the present administration. Napakahalaga na matanggal natin yung lahat ng bakas ng POGO dito sa ating bayan dahil alam natin na walang matino o walang advantage na idinulot ito sa ating bayan.

Q: So sir, under your proposed bill, assurance ba ito na hindi ito mapapaikutan ng mga POGO operator na makapag-operate pa rin sila under new name and under new strategy?

SJV:  Tama po kayo kasi napakahalaga na klaro sa ating kapulisan, sa authorities na ito ay illegal, ito ay ban na, kaya mas madali nilang mache-check kung ito ay sumasaklaw doon sa depinisyon ng POGO, online gaming o IGL man ito na itatawag, dapat itong i-ban. At bigyan natin ang kaparusahan. Meron po tayong ipinapanukala na 12 to 20 years of imprisonment. Tanungin tayo, bakit ba medyo extreme yata yung 12 to 20 years. Eh nakita na po natin sa ating pagdinig dito na ang Pogo ay may kaakibat na human trafficking, na torture, kidnapping, na ang parusa nga po dyan ay umaabot sa habambuhay na pagkakakulong. So, yung 12 to 20 years, marapat lamang. Pag sinabi naman nila, mataas din naman yata yung fine because we are asking for P100 million na multa dahil nakita po natin sa mga pinag-usapan natin sa mga nangyari dito sa POGO yung salapi na dumadaloy, umaagos dito sa Pogo ay limpak-limpak. You’re not talking about millions but billions. In fact, if you look at the 10-hectare Pogo building in Bamban, umaabot po ito sa P6.1 billion ang halaga. Yun naman pong sangkot doon sa money laundering case sa Singapore na kung saan business partner ni Miss Alice Guo, eh P130 billion po yung halaga nun. Yung pong isang Pogo na ni-raid noon, kung matatandaan nyo na may 28,000 SIM cards na nakumpiska, eh sila po ay involved naman dun sa pag-scam na umaabot din sa P1 billion. Yun naman pong P13 billion, yun yung pinagsamang tax at gaming revenue ng Pogo noong 2023. So, yung 100 million is barya lang talaga sa kanila.

Q: So, hindi ito makaka-apekto sa economy natin, sir? 

SJV: Oh, definitely not. In fact, the economic managers have been talking about it and as I mentioned earlier, P166 billion nga yung nakolekta but the economic managers were saying na ang economic costs nito, ang economic costs ng Pogo sa ating bansa ay umaabot na sa P265.74 billion.  So if you subtract the taxes that they have been paying, collecting, being collected, I mean, because they are not paying. A lot of them are not paying. In fact, in a year, may P50 billion na buwis na hindi sila nabayaran. Kaya din po dun sa bill, kahit na ban at illegal na yung Pogo, in-authorize pa rin natin ang BIR na collectahin yung taxes nila. Again, ang net loss natin is P99.54 billion annually dito sa Pogo. At marami pong bagay na hindi kayang sukatin na dala ng Pogo na hindi papasok dyan sa mga numero na yan.

Q:  Sir, under your proposed bill, naka-incorporate lang po yun yung pag-repeal sa batas tungkol dun sa pagbubuwis sa Pogo?

SJV:  Opo, pag-repeal po ito nung panukala na ipinasa itong RA 11590. And again, despite the fact that we are going to repeal this, it doesn’t stop our authorities, especially the Bureau of Internal Revenues, na singilin po yung lahat ng pagkakautang ng buwis ng mga Pogo dahil ito ay due na.

Q: Sir, aside dun sa mga Pogo workers na maaaring ma-displace, dapat tulungan, dapat din bang tulungan ng gobyerno yung mga nagpaparenta ng mga establishment na ang taas ng upa nila na pwede din mawalan din sila ngayon ng kita? 

SJV: Definitely. In fact, I distinctly recall na tayo-tayo rin yung magkakausap when I made mentioned about the economic bubble, na real estate bubble na nangyari nitong mga nakaraan. Yung mga kababayan natin na hindi na makabili ng unit ng condo dahil sumusobrang taas na ng presyo. And para sa atin, importante na matulungan ito ng pamahalaan. Yung TUPAD kaya nandyan, yung AICS kaya nandyan. Yung pong panukala natin ay may layunin din na magkaroon ng malinaw na patakaran para ipatupad yun pong tinatawag na workers transition program para po tulungan ng TESDA, ng DOLE, ng DICT. Yung huli po nating pakikipag-usap sa kanila, kay Secretary Laguesma inaalam na nila ang profile ang mga kababayan na maapektuhan dito. Nauna na nga po ang DOLE dyan. Pati yung DSWD, nagpahayag na din po sila na handa na sila na tulungan itong ating mga kababayan na magkakaroon ng effect itong pagban ng Pogo. 

Q: And then, nandun din po ba sa batas yung mga dapat managot?

SJV: Well if it is illegal, maiimplement na po itong panukalang batas na ito, magiging ganap na batas na meron po tayong 30 days, 30 days po yung ating ibinigay na transition para po may klarong punto ng transition at ang mga hindi po makakasunod dito ay mapaparusahan. 

Q: So may retroactive effect po yan? Makasasaklaw ba yan si Mayor Alice Guo na lumilitaw na involved dito po sa illegal POGO?

SJV: Una gusto ko pong sabihin na even without this law, they are already liable in so many laws that they violated. But this one will definitely put a period, pagtanggal ng anumang bakas ng Pogo na maaari kasing buhayin ng susunod na administrasyon yan. Imagine kung yung mga local government units, yung narinig natin sa national level, nakasangkot dito, baka sa susunod na eleksyon, majority na ng member ng Senado, ano na po ng Pogo, backed up by Pogo. So, yan po. Nakita nyo naman kung gaano katagal makakuha ng signature nun, di ba?

Q: So maganda ba yung timing na naging utos ni Presidente na by the end of the year wala na yung Pogo dahil maiiwasan na magamit ang POGO money sa election?

SJV:   Definitely po. At yan yung ating, kasi magaling ho silang magtago. Can you imagine, nakapag-produce sila ng isang local chief executive. Hindi nga po natin alam kung ilan. Dahil ako, hindi ako masu-surprise kung meron na rin po o baka madami-dami na rin ang nasa position ngayon o nasa executive man o nasa legislative. Or, I will not even be surprised pati sa judiciary. Kaya ito yung dahilan kung bakit we are very passionate about this, that we need a law na magtutuldok at tatanggal sa anumang bakas ng POGO sa ating lipunan.

Q: Yung batas natin is about t taxation lang. And what we have also is directive from the President. So the bill that you are pushing for, sir, is to, paano siya, sir, sabi niyo hanggang sa mga susunod na administration, di na makakapasok po ang POGO. So, it spells out na bawal yung POGO.

SJV:  Yes, definitely. Bawal talaga siya at naging batas na siya. Tuldok na talaga ito at yun yung talagang main goal natin, hindi lang short-term goal kundi long-term. Even the next administration will no longer entertain the idea of inviting Pogo back in our country. 

Q: Sir, isa na lang. Yung 12 to 20 years, tsaka P100 million po na parang babayad, that is for those who will create Pogo?

SJV:  Sila po yung mapaparusahan na mahuhuli yung pong mga operators ng Pogo na ito. And again, I made mention kung bakit tila baga parang extreme. Pero kung titignan nyo po, compared doon sa mga nakita na natin, trafficking, torture, kidnapping, habambuhay pa nga po yun. 

Q: And would you push for this to be a priority? 

SJV: I would love to. And if I’d be given a chance to talk to the President, I would appeal na maging priority ito. Because I’m sure the President was so happy about the reaction of the people. I remember shaking hands with him pagkatapos nung SONA and yun yung unang nabanggit ko sa kanya at naramdaman ko na he’s very happy na na-deliver niya yung tamang mensahe na hindi lang inaasahan ng ating mga kababayan kundi kailangan ng ating mga kababayan.

Q: Sa Senate leadership, sir, iyaan niya rin? Ipupush na gawin priority? 

SJV: Sure, yes. I have yet talked to our Senate President but probably today, I’ll talk to him about it if we can fast-track this important measure.

Q: And before the year ends? 

SJV: I hope so.

Q: Para kasabay doon sa order? 

SJV: Mas maganda po. Kasi kung, alam niyo, kahit na totally mawala na kunyari sa matapos ng taon, na wala pa po itong batas, hindi pa rin napapasa. I will still continue to push for this law. And as I earlier mentioned, it’s because of the fact that we don’t want the next administration or the future administration to invite this POGO back.

Q: On POGO establishments

SJV: That’s a very, very good idea. In fact, during SONA, I mean after SONA ng ating Pangulo, yan ay napag-usapan namin. I think with former Senate President Mig Zubiri and there’s another one, I think si Senator Nancy, napag-usapan namin, kaming tatlo, na so what do we do now sa mga buildings and I was the one who made mention na una dyan pwedeng gawing pabahay. Pangatlo, pangalawaevacuation centers, etc. Kasi matibay yung mga ginagawa nila. May tunnel pa, diba? So, yan yung mga bagay na pwede nating mapag-usapan and hopefully during the time of, because I made it very simple lang yung bill but I am open to that. And that’s a good idea. So by the time na inisponsor natin ito, I will also look into it because that’s a very, very good idea. I have to say.

Q: On Sen Grace Poe’s concern

SJV: Doon po kasi sa batas natin, yung POGO is dinefine yan, doon sa taxing POGO. Maaari din natin i-define ulit yan or dagdagan yung definition sa pagkilatis at pag-scrutinize nitong panukalang batas and idadagdag po natin yan. I think right now, klaro na na lahat ay ban, nagsalita na, pati ang Office of the Solicitor General, ang PAGCOR, nagsabi na din po sila na, and finally, bihira akong matuwa sa PAGCOR, but last Monday, nagsabi po sila na magbibigay na daw po sila ng monthly update tungkol po sa winding down operation ng natitira pa na 43 POGOs and IGLs. So ang appeal lang din natin, ang panawagan, isama na rin natin doon sa mga ecozones, yung eco zones na nag-issue ng mga lisensya para sa mga POGO or POGO-related businesses na i-request natin na mag-release din po sila ng ganitong updates sa atin. Para namomonitor po natin, napakahalaga po nito. 

Q: Sir, follow up ko lang dun. Kasi yung CEZA, sinasabi ni Pagcor Al Tengco na yun daw CEZA may sariling charter. Sila yung nag-i-issue ng license sa mga gaming. So hindi niya alam kung covered yun sakali.

SJV: I think yung mga CEZA na yun, presidente rin naman nila si President Bongbong Marcos. And I think they are also in the Philippines. So I have zero doubt na kasama po sila, kasama at covered po sila dito. And again, perhaps that strengthens our position na i-push through itong ating panukalang batas na ito. 

Q: Kasama po ba doon na pwedeng papanagutin yung mga local chief executives?

SJV: Alam nyo, kasi ako, para sa akin, meron na sila, meron ng kaukulang batas para sa responsibilidad at pananagutan ng ating mga local government units. For example, yung pag-check o pagpasok sa jurisdiction po nila, di nila kailangan magpaalam sa mga ito. So I think it’s more than enough, but it’s a good idea also to look into it. Baka kailangan na tingnan mabuti o pupwede rin natin idagdag na bigyan natin ng mas mabigat na kaparusahan yung dereliction of duty from the end, from the local government units end.

Q: Sir, you mentioned na hindi kayo masu-surprise kung may other local chief executives also involved in this illegal program. Sir, have you received any info about that? Or sa ngayon speculation? 

SJV: May mga raw information. May mga may mga nagsusumbong po through Facebook for instance.

I encountered at least mga three or four na local executives na hindi po naririnig natin na gusto nilang paimbisigan. So we just forwarded their complaint. Raw pa ho eh, hindi pa ganun ka, hindi siya verified. And I think, klaro, I mean, with the amount of money that’s flowing from this operation, lobbyists coming from chief executives, from local government units, I’m almost sure na meron. Even in the legislature, even in the judiciary.

Q:  Ano na mga complete examples?

SJV:  For example, nireport na nila sa kanilang munisipyo yung nangyayari sa kanilang lugar pero wala pong aksyon. Mat ga nakatambay for example sa mga probinsya na 30-40 na mga Chinese individuals na mukhang mga hindi ligal at hindi rin sure ung nagko-complain kung na may pangamba sila.  So yun, yun yung mga kind of complaints that we are receiving. And you know, again, you’re talking about billions and billions of pesos. Kaya we commend the President for doing this because it’s not all so easy for the President, I’m sure, to say what he said. Considering that baka some people around him are also into it.  Noong SONA, tinitingnan ko kung sino yung mga pumapalakpak at sino yung mga pumapalakpak na pilit na pumapalakpak. For example, check Mayor Guo’s address in Marilao. Maraming construction po. Sana ay aware dito ang LGU. Yan din po yung mga ilan sa mga nakukuha po natin. Yun nga po sa mga bidding. Diba? Construction firm. Pero nanalo sa mga bidding  ng mga tech, hindi na natin alam kung sino yung nag-finance yan, so natackle po yan during the government procurement law, no, now we just passed.

Q:  Sir, ongoing yung construction?

SJV:  Yes. Yes, po po.

Q:  So, sir, isa po yung Bulacan dun sa mga may mga complaints?

SJV:  Meron po, pero I’m sorry because I don’t want to put bad light to our local chief executives ng hindi verified new information. Ang binanggit ko po kasi, for example, yung sa Marilao, maraming construction. Yun yung address na ibinigay o nakasulat kay nasa SALN po mismo ni Mayor Guo. 

Q: Sir, maraming construction sa property ni Mayor Guo. 

SJV: Opo. Marilao lang Sa Bulacan. Well, it’s just one of the many properties. But that’s what’s written in her SALN. And the last time she was seen.  And by the way, parang nakakalungkot naman yung authorities natin. Diba? Hanggang ngayon, hindi alam kung nasan siya. I don’t believe that. Ayoko magsalita ng masama, but I believe them. They don’t know where she is. And sana hindi lang si Mayor Guo. Lahat. Lahat ng nakakahiya na po. Please, mahiya tayo sa ating mga sarili na hindi natin ma-aresto yung mga dapat nating arestuhin. 

Q: Yung status ng mga complaint yung submitted na for verification?

SJV:  Iba-iba. Yung mga nakukuha lang po namin na complaint. Sa NBI, binibigay po namin, sa kapulisan, sa kapulisan. In fact, sa LGU, yung isa, kinausap ko pa nga ho eh, tinawagan ko pa, sabi ko meron ganito. not that I know of, but we will check.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...