Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Joel Villanueva (Part 2)

Published

Q: San?

SJV: Yeah, Luzon, sorry. 

Q: Central Luzon

SJV: Hindi. Hindi lang Central Luzon. Merong, 4A, 4A, NCR, and Central Luzon. Yung mga nakuha ko po, again, I don’t want to, I don’t want to dwell on this information kasi nga po hindi po verified.  ut I will not be surprised and I’m actually saying this, yung gut feel ko, na meron na talaga. Marami ng influence ang Pogo. Malawak na malawak na. With this amount of money, malawak na malawak na. Kahit nung mga nakaraang eleksyon, meron na. Hindi po ba yung E-sabong lang? Ang dami nang pinanalo ng ESabonng sa mga public offices. Kaya ho yung mga kababayan natin, eh, huwag po tayong magpaloko. Huwag po tayong magpabili ng boto natin. Susunod na, eleksyon na naman. Huwag din tayong mag-eelect ng mga butaw candidates. 

Q: Butaw candidates? 

SJV: Hindi ba yung mga butaw? Yung alam mo na wala namang magagawa pero dahil maraming salapi or na-entertain ka. Sorry ah. Siguro next topic na lang yan. Sa voters education topic. 

Q: Dito kaya may butaw?

SJV: I’m sorry because I’ve seen, I just saw kasi yung, yung, di ba, yung latest survey. I would say yes, meron.

Q: Name names? 

SJV: No, no, I was just saying, I saw the latest survey, di ba? Para ang dami. Alam mong walang magagawa, di ba?  Napasok. Don’t give me, ano na, don’t put words in my mouth. I’m just saying we have to, and I really mean this with all of my heart. I’m retiring, and kayong mga members of the media, I give so much respect sa inyong trabaho, and kayo na lang yung natitira na unfortunately na hope ng taumbayan para matulungan sila mabigyan ng tamang impormasyon para malaman kung yung mga nakaupo ba ay kaya dapat-dapat pang i-reelect. Diba? And I’m not saying any particular position. Asan yung resibo nila? May nagawa ba? At yung papasok na hindi rin, wala namang track record. May record na may magagawa. This is legislation, eh. Diba? This is not an easy task. This is not an easy job. And we all know what’s gonna happen if you put another set of individuals na walang resibo. Diba? I mean, let’s face it. Let’s call a spade a spade. Thank you.

Q: On PUV Modernization

SJV: Well, it’s a resolution as a sentiment of the Senate considering we have had so many hearings. And if you recall, I remember during the hearing, binanggit ko po yung, 11 % lang na natapos na local public transport route plan o LPTRP. Ito po ang nagdedetalye ng mga ruta ng isang lugar, yung mode and yung required number of public utility vehicles per mode, for delivering yung pangangailangan for land transportation service. So 11% lang po nun. And yung latest, whether you will believe them or not, but they already admitted the transportation officials admitted that right now from 11% daw, 64% na,  64% ang na-consolidate nila. So, ibig sabihin yung 6,090 ang na-deliver nila out of 9,522 na dapat nilang ma-deliver. Which means, over 3,000 routes remain consolidated, still a significant number. Ang hirap naman po nito, diba? Hindi ba dapat ito yung mauna? So, that’s very telling. That’s number one. Number two, mismong Land Bank officials, mismong DBP officials, mismong sila nagsabi na yung amount na P2 million na cost na gusto mong i-push dito sa modernization, eh napakataas. Napakataas. Mismong sila, Land Bank, DBP, nag-state sila na it’s too expensive for our PUV drivers. Magkano’ng kinikita nila? Ang average, P650 a day. That’s absurd. Eh kaysa naman malubog sa utang, syempre, mapipilitan po yung mga kababayan natin na huminto na lang sa biyahe, kumonti yung babiyahe, mawawala ng trabaho, tataas na naman ng unemployment, e yung latest data natin, tumaas ang unemployment natin. Kahit bumaba yung underemployment ng 9.9%, tumaas po siya yung unemployment. So, ito, I’ll give you an example. I’m not sure. But I think she’s very vocal about this. Do you know our Libero in UST Tigres, si Pepito? She’s pretty famous in UAAP. Maraming kakilala. Yung father po niya, hihinto na. In fact, she talked to me about it. I asked how we can help her father, but I assured her na I will continue to be the voice of these PUV drivers na maapektuhan dito.  Kasi parang, klaro na hindi pinag-aralang mabuti ito eh. Pagka sinabi mo, PUV modernization, ano ba yung goal natin talaga dito? E parang ang lumalabas, pagkakakitaan po. Para dun sa mga supply, hindi ba na bibiliin? Hindi pa handa yung LGU sa implementation. At kailangan po magkaroon ng LGUs ng approved route plans na isang mahalagang component dito sa PUV modernization. So, hindi ko alam, no? Basta ang sa akin po, as of April 2024, 11.05% pa lang ng LGUs have been approved yung route plans po nila, 11%. Yung binabanggit ko po na 64% ay consolidation po yun ng route plans. Ibig sabihin, di ba approved? So, klaro po, for me.

Q: Sir, paano daw yung mga na-consolidate?

SJV:  Ay, yan ang isang malaking dapat pag-usapan natin dahil tinulak na sila dun sa kumunoy, at I think, at the end of the day, hindi question whether or not magmO-modernization tayo. There is a need na talaga. There is a need. It’s a clear need for modernization. Pero ang problema lang dito is, we have to do it the right way. Wala pang ruta papaano i-modernize. At the same time, I have yet to see a plan na magiging madali para sa mga PUV drivers. Can you imagine yung mismo mga banko na state-run banks na po ito, DBP and Land Bank. They were saying it’s too expensive, it’s too difficult. They are the ones saying, this bangko na to, hindi PUV drivers, hindi yung mga nasa lansangan at kalyE natin. So, that alone gives me the impression that they’re not ready. 

Q: Sir, too expensive, and yet ang liit ng subsidy? 

SJV: Exactly. At dun sa subsidy na yun, sino mauna? Sino ipaprioritize? Palakasan ba yun? 

Q: On Magnificient 7 warning na magstrike 

SJV: Ayan po yung isang dapat ay inuupuan ng pamahalaan at humahanap ng tamang solusyon na praktikal, maayos at pinag-aralang mabuti. Hindi po kasi pupuwede na yung bata nga po kailangan ipaliwanag mo mabuti na kailangan niyang kumain at hindi siya po pwedeng hindi kakain. Hindi pupuwede na ung bata na un, kukuha ka ng kutsara, pupuntahan mo, tapos saksak mo yung kutsara sa bibig niya. Hindi po, hindi po gano’n ang dapat na polisiya ng pamahalaan, lalo na sa pag-implement ng PUV modernization dahil stakeholders po sila. They have to see the beauty and the importance practicality and most of all, the benefits that they will be reaping if they actually cooperate in this PUV modernization.

Q: The mere fact na signed by 22 senators, sure na po yung approval ng resolution?

SJV:  It is. It is. Definitely our position as an institution and I’m glad that we had an overwhelming support here in the Senate.

Q: Kailan po ito sponsoran sa plenary?

SJV:  I think today or tomorrow or Monday. Because it was just filed yesterday. I think yesterday lang ata ako nag-sign o nung Monday.

Q: According to Architect Palafox, after Ondoy, diba nagkaroon ng series of hearing, naidentify na po lahat hulaan ng mga dapat gawin para maiwasan na yung pagbabaha. Pero yung nga, diba sabi nyo, dapat may resibo. Ano hong nangyayari? After one decade and more than ten years, wala daw na ipatupad dun sa mga napag-usapan na dapat na mga projects to prevent yung ganitong mga floodings.

SJV:  Alam nyo natetempt naman akong i-play yung mga videos and statements I made here in the Senate. And I really mean it. I really mean it. Na parang kaya ko naman sabihin sa mga kasamahan ko sa Senado na parang walang silbi yung Senate, kasi ang tagal-tagal na taon-taon na lang last year binanggit ko to eh last year binanggit ko kasama kayo nandun kayo sa committee hearing na wala nang naniniwala sa Senado, wala na rin naniniwala sa gobyerno na may gagawin pa para i-address itong problema na ito. Because every year na lang, it’s getting worse. I experienced funding itong feasibility study and it took them two years to do it. After doing it, hindi rin pala i-implement. And then sasabihan ka kulang kasi. Sino ba gumawa ng feasibility studies? Sila din. And then, right now, this year, we have P23.6 billion feasibility studies again in DPWH. You look at the budget for this year, for example, pag pinagsama-sama natin yung budget ng DENR, ng Commission on Climate Change, MMDA, DPWH, it’s

P1.44 billion a day. How much is P1.44 billion pesos a day. That’s 700 classrooms a day. Can you imagine 700 classrooms a day na papagawa natin instead of putting it into a waste project? Well, sabihin mo sa akin, hindi waste. Sige, prove mo sa akin na hindi waste itong projects. 5,500 yung sinabi ng Pangulo sa SONA, I think is being misled. I wanted to see those projects completed na sinasabi ng DPWH. Will it help? Did it help? Most of them are in Metro Manila. Kayo mga nasa Metro Manila, naka-base, nararamdaman niyo po ba itong P1.44 billion a day na supposed to be kung 10,000 pesos per scholarship ng TESDA, that’s 144,000 scholars a day na bibigyan mo ng pagkakataong magkaroon ng chance sa buhay na magtagumpay, magkatrabaho, magkahanap buhay. Yung sa mga naapektohan na baha, yung P1.44 billion a day, that’s equivalent to 1.78 million relief packs every day. 1.78 million families makikinabang dun sa P1.44 billion a day na budget natin para tugunan ang flood control. Banggit ko nga po ng privilege speech, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng flood o yung control na sinasabi nila. Buti pa ho yung remote control eh, pagka walang baterya, pwede mong puntahan yung TV, pwede mong pindutin dun sa TV. Pero ito, wala. Not a single bit of control nakita natin nitong nakaraang bagyong Carina. Nakakalungkot po, no? And tinatanong ko yung sarili ko ano pa yung silbi ko rito kung wala hong magagawa dito and you know I posed that challenge to all the

members of the senate nung nagsalita po tayo sa floor.

Q: So there will be another hearing tomorrow. Ano yung assurance na may mangyayari na this time?

SJV:  Ay, honestly, huwag na tayong magbulahan. What’s gonna happen? What do you think is gonna happen? Iisahin ulit natin ito. Natutunan ko ng magtaas ng boses, magmalumanay na boses. Ano pa ba? Ano pang pwede natin gawin? Araw-arawin na lang natin. Tingnan natin lahat ito. Siguro, tanungin natin. Itong 5,500 na sinabi nilang natapos na flood control programs, ito ba dumaan sa feasibility study? Dahil tila baga wala eh. So kung hindi rin dumaan, bakit pa kailangan itong P23.6 billion feasibility study?

Q: And then kung palpak daw sir, yung isang flood control projects, di ba dapat may warranty?

SJV: Exactly. At meron ba talagang master plan? Bata pa ako eh. Pinag-uusapan na yung master plan. Sa amin dun sa Bulacan, 15 years ago, 10 years ago, yung mga lugar na hindi mo madaanan pag baha, hanggang ngayon po, ganun pa rin hindi pa rin po madaanan. Hindi ko alam kung ano pang aasahan ng ako pwede na ako mag-resign eh, actually hindi ko na kunin itong next 3 years ko kasi wala naman din pala tayong magagawa eh ano, magko-committee report, may committee report po ba yung last year na hearing? Wala din ata eh. Hindi ko alam kung meron. O tas ngayon, meron na naman po tayong hearing. Ano gagawin natin? You know, you have to be serious about it. And I’m calling Malacanang also kung gaano tayo kaseryoso dun sa Pogo maging seryoso naman po tayo dito. Otherwise, tanggalin na natin itong pondo na to because it’s some waste of money. It’s an awful waste of time, awful waste of money 

Q: Sir, di na kailangan mag-hearing ng Senate about it?

SJV: No, and I’m not saying that. We have to. We have to. We have to. Alam nyo, kaya ako ako nahihirapan. Kasi taon-taon na lang ako humaharap sa mga kababayan ko eh. Tuwing baha. Tapos taon-taon, iniexplain ko, ganito po yung ginawa namin sa Senate, ito po yung finile natin, ganito po yung ginawa natin, ito po yung pagpupondo natin pero ang sasagot po sa akin sir, last year po hanggang bewang lang eh, ngayon po lampas tao na

Q: Sir kasi catch basin daw ang Bulacan so it’s about time na may impounding daw.

SJV:  But we have, we have, we are spending so much money. That’s my point eh. Kung sabihin mo sa akin, o sige, in five years pa natin talaga maaayos siya, paunti-unti. Pero may master plan na tayo. Kahit nababaha tayong ganun, meron tayong peace of mind na may nangyayari, may gagawin. Wala eh. Hindi natin nakikita sa ating community eh. Go out there mga kababayan. And so, let me take this opportunity sa mga kababayan natin na nakikinig, nanunood ho ngayon. Sa inyo na po ako magsusumbong. Puntahan po ninyo yung inyong mga lugar. Ipapalista po natin lahat ng flood control programs ng pamahalaan for example po, itong Manila Bay Rehabilitation Plan, the past 5 years, nagpo-pondo po tayo dito, the past 5 years meron pong P7.4 billion ang Manila Bay Rehabilitation Plan. Naging parte ng desisyon ng Korte Suprema nung mandamus SC ruling at sinasabi nga po sa desisyon na yun, 13 agencies MMDA, DENR, DEPED, DOH, DA, DPWH, DBM, PCG, PNP, Maritime Group, DILG, Metropolitan Water Works and Sewerage System, LWUA, and Philippine Ports Authority. Sabi dun, i-rehabilitate, preserve Manila Bay. Make it fit for swimming. 208 po. Ang ginastos ho, dun lang po sa DENR na Manila Bay Rehabilitation Plan under DENR. P7.4 billion the past 5 years. Again, isusumbong ko na lang sa taong bayan. Kunin natin lahat ng listahan. Makita nyo po sa website. Labasin po ninyo ano yung ginagawa po dun. Sinasabi may hinuhukay po. Eh, uso nga po yan. Sinabi ni Senator Imee sa floor makalawa, di ba? Hindi naman sumisisid ang COA. Hindi malalaman kung hinuhukay yung ilog. So, isusumbung ko na lang sa taumbayan para alam po nila yung ginagasto sa kanilang lugar. Sa amin sa Bulacan, 30 billion eh. 30 billion yung gagastusin this year. So, hindi ko alam kung bakit wala ni isang Bulakenyo na nakakatikim ng ginhawa dun sa ginagawa. Sabihin man nilang hindi tapos, wala pa po. Babanggitin ko lang po, 2023, 183 billion pesos yung pong budget sa flood control. Yung pong 2024 ng DPWH, DPWH po ito, P245 billion. At ngayon pong 2025, NEP pa lang po. NEP pa lang po ito, P254 billion na. So alam naman natin, pag labas yan at labas ng committee report ng House at Senate, mas mataas na po yan.

Q: Sir, it’s about time na meron ng mapanagot sa sino man na incompetent o kaya gumawa ng katiwalian sa paggamit ho ng daang bilyong pisong pondo for the flood control projects. 

SJV: I have yet to hear a contractor na kinasuhan  nila dito eh. And yet, you and I know very well na yung sinasabi ni Senator Imee doon sa plenaryo, isang malaking business interest ito. Itong flood control program. Let me also take this opportunity because may mga ugong-ugong may nagsasabi po sa akin at nakikita ko rin sa social media na yung bashing na natatangap ngayon ni Secretary Bonoan at hinihingi yung kanyang pagbibitiw at dahil may nagpopondo na pulitiko na gustong pumalit sa kanya na contractor daw.  Gusto ko lang tugunan yun, yung issue na yun. I don’t think na dapat mag-resign si Secretary Bonoan. I think he just have to do his job. More than anyone, I believe, alam niya yung nangyayari. Mas magiging malagim po ang ating sitwasyon kung papalitan natin ng isa pang pulitiko na kontratista ang ating DPWH Secretary. I just have to say that on the record. I think lahat kayo nakakarinig pala noon. I’m sure alam nyo rin yan. Oo nga. Dahil hindi na natin iti-take up yung EBET dahil mamaya naman mati-take up naman sa floor to.

Q: On Marikina 

SJV: Kung yung mga taga-Marikina, naramdaman po yun, sige ho, tatanggapin namin. Pero kami po sa Bulacan, at sa mga kababayang kong nakausap nitong nakaraang araw, eh wala po ni isang nagsasabing nakakaramdam po sila. So again, kung meron pong nakakaramdam, good for them. Pero kaya po ako ganito dahil wala pong nakakaramdam doon sa P1.44 billion a day na ginagastos ng pamahalaan. And for the past 10 years, we have spent P1.14 trillion. P1.14 trillion. Ang ginagastos natin for the past 10 years. And again, if you look at the past 10 years, doon sa amin, at magsasalita na lang ako kung saan ako, sa tinubuan kong lupa sa lalawigan ng Bulacan for the past 10 years, wala po kaming improvement doon. It has gotten worse.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...