Tricycle driver arestado sa pagpatay sa isang MMDA rescuer

Published

ANGAT, Bulacan–Arestado sa bayang ito ang isang tricycle driver habang papatakas ito matapos barilin at mapatay ang isang Metro Manila Development Authority (MMDA) rescuer sa Barangay San Roque nitong Miyerkules.


Kinilala ni Col. Rommel Ochave, bagong police director ng Bulacan ang arestado na si Marlon Binavice, 42, mula sa Barangay Pulo, San Rafael habang ang biktima ay si Gilbert Trinidad, 47, mula sa Barangay San Roque ng bayang ito.


Bandang alas 5:00 ng hapon ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa tungkol sa parking area sa harapan ng bahay ni Trinidad sa Santos St. Matapos iyon ay umalis na si Binavice at umuwi sa kanilang bahay sa Pulo. Iyon pala ay kinuha nito ang kanyang .38 calibre revolver at binalikan si Trinidad sa bahay nito at saka pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.


Dead on arrival na ito sa Norzagaray District Hospital samantalang agad ding nadakip ng Angat police ang suspek.
Ayon sa pulisya, may matagal ng personal na alitan ang namamagitan sa dalawa.


Sa Lungsod ng Meycauayan, arestado ng pulisya sa isang dragnet operation ang armadong si Patrick John Aguinaldo, 47, mula sa Barangay Pandayan.


Nalambat ito ng Meycauayan police bandang 8:34 pm sa Gulod Road, Barangay Camalig matapos masipat ng ilang residente ng Malhacan na ito ay may dalang baril, pagala-gala sa kanilang lugar at ipinagbigay alam agad ito sa kanila bandang 8:00 ng gabi.


Nakatakas naman ang kasamahan nitong si Jessie Miral.


Narecover mula kay Binavice ang a .38 Smith and Wesson revolver, ammunition at isang unit ng Maton CPI motorcycle na walang plaka.


Nakuha naman mula kay Aguinaldo ang isang heat-sealed plastic sachet ng shabu at isang Cal. 38 revolver at sang walang plakang Yamaha NMAX YCONNECT motorcycle.


Si Binavice ay kinasuhan ng murder habang si Aguinaldo ay kinasuhan ng violation to RA 10054 known as “Motorcycle Helmet Act of 2009” and Resistance and Disobedience under Art. 151 of Revised Penal Code. Dagdag sa kanilang mga kaso ang violation to RA 10591 or violation to Comprehensive Law on Firearms at Omnibus election law o gun ban.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...